Chapter Fifty One

276 9 3
                                    

CHAPTER FIFTY ONE. 

Pagkatapos nun ay hindi muna umuwi si Axcel. Dun muna siya nagstay sa bahay namin. Sama -sama kaming kumain kasama ang parents ko. At pagkatapos kumain, nag usap-usap sila nina papa. Wala lang, bonding time lang nila. At gusto na rin ni papa na mas makilala pa si Axcel. Kilala niya si Axcel pero hindi gaano kaya gusto lang niyang masigurado kung matino ba siyang manliligaw para sa akin. After nun, umuwi na siya. At ako naman, umakyat muna sa kwarto ko. Ang saya ko ngayon. At last, naayos na din sa wakas haha! Parang gusto ko tuloy na malaman ng mundo kung gaano ako kasaya. Gosh! Ilang araw akong di nakatulog sa war na ito!! Kaya ngayon, magffb ako. Mag uupdate lang haha xD 

Nung nakapag online na ako, agad na nagchat sa akin si Leandro. Poootteeekk!! Hindi ako nakapag offchat! Buset na buhay! Inis ako dyan sa lalaking yan! Alam kong mali pero di ko mapigilan na maisisi sa kanya lahat kung bakit sa akin nagtampo si Axcel kahit pa ako ang may kagagawan ng lahat. Pinili ko kasi siya ee. Hirap magsabay ng dalawa x(

Leandro: Hoy hindi ka na nagpaparamdam! Bakit di mo na ako nirereplyan at sinasagot sa mga tawag ko? Bakit? Dahil nagalit yung magaling mong Axcel dahil sa akin? Akala niya naman ikinagwapo niya yun para mag inarte ng ganun. Daig niya pa mga babae na sensitive sa mga ganung bagay. At para siyang matandang huklubang nagmemenopause -.-

Wag mo kong dedmahin dyan, may kasunduan tayo hah! Pumayag ka sa wish list ko! 

--

Ay leche flan siya! Puro wish list ang isinusumbat! Napakaselfish talaga ng isang to. Laking pagsisisi ko kung bakit ako pumayag dun. Haaayy! Ang dami niyang pan sinasabi noh? Pasalamat nga siya at pinili ko siyang idate kesa kay Axcel ee! Di na lang siya makuntento dun, reklamo pa ng reklamo. Kung anu-ano pang pinagsasabi. Ee siya nga, tuwang-tuwa pa siya na nagalit sa akin si Axcel ee. At ipinalangin pang wag na akong patawarin. 

Bahala ka nga diyan! Kausapin mo na lang yung baklang ibon na kulay yellow na mahilig mang urat ng buhay na nagngangalang simsimi -.- Teka buhay pa ba yun? 

Oh well.. 

@ School.. 

"Hoy! Huli ka!! " ay takte! Ano ba namang buhay to oh! Tinaguan na at lahat -lahat, lalo ko pang nakikita! 

Paano ba naman kasi!? Eto ako ngayon, hawak-hawak ni Leandro sa pulso. Pumasok na nga ako sa school ee kahit wala akong gagawin dito ngayon dahil ayokong makita yang lalaking yan pero kahit pala anong gawin ko. Makikita at makikita ko pa din pala siya. Eto ba yung tinatawag nilang soulmate? Eeww :& 

Hindi na ako maniniwala dun -.-

"Ano ba? Bitawan mo nga ako! Mukha kang kidnapper!!" sigaw ko. At dahil dun, nakakuha ako ng atensyon mula sa mga iilang taong nandun sa lugar namin. 

"Wala akong paki! Bakit iniiwasan mo na ako ngayon hah!? " sabi naman niya.

"Ee kasi nga WALA DIN AKONG PAKI SAYO. We're mutual!! "

"Ano ba yan! Kasalanan ko bang nagalit sayo yung lalaking yun? " 

14000 Peso BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon