Chapter Forty Two

310 12 3
                                    

CHAPTER FORTY TWO.   

-Beep Beep-

From : Leandro

Uy. Date tayo mamaya ah! Pinapaalala ko lang sayo. I love you babe :*

--

"May date kayo ng boyfriend mo?" tanong ni Theo na katabi ko na nakikibasa ng text message ng iba. Baliw yan ee. Pero okay lang yun, best friend ko naman yan :D 

"Shhhh.. baka may makarinig! " saway ko sa kanya. Ang dami naming kasama oh. Paano kung may makaalam nito? Edi another gulo na naman. 

"Nagtatanong lang ee ;P " natatawang sabi niya. 

"Oo meron. Kulit nga, kanina pa paalala ng paalala. " sabi ko. 

"Baka daw kasi malimutan mo. Teka, buti pinagbigyan mo? Mortal enemy mo yan diba haha xD "

"Hayaan mo na siya, 1 buwan na lang kasi ee. Kaya pagbibigyan ko na. "

"1 buwan na lang at magbebreak na kayo? So you mean, kinaaawaan mo lang siya kaya mo siya pinagbigyan? "

"Oo, wala naman akong magagawa ee. Di ko naman masuklian yung nararamdaman niya sa akin. " sabi ko tapos bigla namang nagbuntung hininga si Theo na ipinagtaka ko. 

"Bakit? " tanong ko sa inaakto niya. 

"Kawawa talaga yang boyfriend mo. Hinihingi niya sayo, pagmamahal pero ang binigay mo sa kanya awa. "

"Okay na yun nuh. Kesa naman sa ireject siya. Buti nga binigyan ko pa siya ng atensyon. Yun lang talaga ang maitutulong ko sa kanya. At least, napapasaya ko naman siya diba? "

"Oo, tama. Buti siya binibigyan mo ng atensyon. Unlike sa akin, na na-FRIEND ZONE lang.. " comment niya ng mahina pero napatingin talaga ako sa kanya dun. 

"Ayan ka na naman Theo ah! Nag -usap na tayo about dyan. Alam mo bang ikaw ang pinakabinigyan ko ng importance sa kanilang tatlo? Sabihin na nating gusto ko si Axcel pero hindi naman kita niloko ng gaya ng ginagawa ko ngayon sa kanilang dalawa ni Leandro. Oo napagpustahan kita dati pero mas masakit ang kasalanan ko dun sa dalawa. Sana makuntento ka na lang sa relasyon natin Theo. Mas maganda pa nga yun ee. Hindi ba ang pagkakaibigan, pangmatagalan? Hindi gaya ng magsyota na konting away lang break up kaagad ang katapat. From the word itself nga na syota, meaning, short time. Kaya wag ka ng manghinayang, bestfriend kita at kahit anong mangyari, hindi mawawala yun ^_^" paglilinaw ko sa kanya na nakayuko lang. 

"Hehe.. " tawa niyang peke tapos tumingala ulit sa akin. "sabi ko nga ^_^" dagdag niya na parang hinayang na hinayang. 

-Beep beep-

May nagtext bigla ulit sa cellphone ko kaya chineck ko muna ito. Ay teka, naku baka si Leandro na naman ito!? 

14000 Peso BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon