Chapter Twelve

618 22 2
                                    

CHAPTER TWELVE 

Lumabas na kami ng gate tapos bigla siyang huminto. Tinitigan ko lang siya ng blankong blanko. Wala kasi akong idea kung bakit bigla siyang huminto sa paglalakad. Muntikan pa nga akong mauntog sa likod niya kanina ee.  

"Uhhh.." sabi niya.  Wow!  Naintindihan ko promise. 

"San tayo? " tanong ko. Nagkibit balikat siya.

"Hehe.  Hindi ko din alam ee.  Gusto lang kitang kunin dun! Ang dami kasing nakapalibot na lalaki sayo ee lalo na yung katabi mo tsaka yung nangarate ng kamay naten. Siguro may gusto yun sayo? " sabi niya.  Naks!  Kinikilig naman daw ako..  So ibig sabihin selos siya?  Yieee malala ang isang to!  Akalain mo lumalab layp na ako ngayon??  Teka,  akala niya may gusto sa akin si Sean haha! Anong kalokohan yan? -.-

"Hindi nuh!  Nakagat lang yun ng askal tas hindi naturukan ng anti rabies kaya yun ganun."

"Haha!" tawa niya. "Halika nga." dagdag niya tas inakbayan niya ako. 

"San tayo? "

"papakilala kita sa mga tropa ko. "

Wat. 

Hindi na ako pumalag. Bakit kailangan pang mag inarte kung gusto ko naman? Oy hindi to kalandian ah! Aminin.. Lahat ng may crush life, gustong maging kaclose ang friends ng crush niya. Ganun din ako! Ayan na ang grasya, grab the opportunity na. Pumunta kami sa isang fast food chain na katabi ng university namin.  Dun daw kasi kumakain ng lunch yung mga kaibigan niya ee.  Shocks!  Nahihiya ako.. Teka, may ganun pala ako? 

Pumasok na kami sa loob.  Nasa bandang dulo sila kaya naman lumapit kami. Nakita ko ang 9-11 katao.  May 3 babaeng nagchichikahan, may magsyota, the rest puro lalaki.

"Woiii!  Dito na pala yung pogi nateng kaibigan! " sabi nung isang lalaki habang nakangiti.  Sa pagkakatanda ko,  isa siya sa tatlong kasama ni Axcel nung mga panahong nagtapat ako sa kanya. 

"Cel,  pakikilala mo naman sa amin yung kasama mo.. " sabi naman nung isang girl na nakasandal sa shoulder ng boyfriend niya. 

"Uhmmm..  guys..  si ano nga pala..  Si Teresa. " sabi niya na nauutal na parang ewan na natatae na basta! Hindi na nga makaagos yung dugo ko sa pulso sa sobrang higpit ng kapit niya ee.  Opo,  hawak-hawak niya po ngayon ang kamay ko.  Siguro kinakabahan to? 

"Your?  What? " follow up question naman ni ate. 

Shocks!  Sumo-showbiz yung tanong niya. 

"Uh.. " sabi ni Axcel tas tumingin siya sa akin ng matagal. Hindi ko alam kung anong sasabihin niya.  At alam ko din na ganun din siya. Ano ba? Schoolmate? Kakilala? Babaeng nagtapat na crush siya? Kaibigan ba? Dyosa? Girlfriend? Ay assuming! Kaaway? Napulot na pulubi sa tabi - tabi? Rapist? Ano ba sasabihin niya sa kanila? Oy correction,  hindi ako rapist nuh! Unless magsuggest siya haha xD Natawa tuloy ako. Kasi naman ee! Naiilang kasi ako sa tingin niyang nakakatunaw tsaka dahil dun sa naisip ko kaya natawa na din siya.  See?  Napaka abnormal namin. 

14000 Peso BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon