Chapter Seventy Five

146 4 0
                                    

CHAPTER SEVENTY FIVE.

-BLAAAAAAGGGG!!! -

Nagulantang kami ni Drei ng may biglang bumukas ng pinto ng kwarto ko. Andito kasi kami sa kwarto ko at nagkekwentuhan ng may biglang may tumunog na kung anong bagay. Paglingon namin, nakita na lang namin na bukas na ang pinto at kasabay nito ang pagpasok ng tatlong tao na sina Angge, Theo at Leandro.

"Oh? Anyareh sa mukha niyo? " tatawa -tawang sabi ko. Eh nakakatawa naman kasi talaga yung reaction nila ee. Si Angge, galit na galit. Si Leandro, nakabusangot. Si Theo naman, parang namatayan. Matapos kong sabihin yun ay lumapit sa akin si Angge at hinampas sa galit ang table na katabi ko.

"Wag kang tumawa! Seryoso kami!! " sigaw niya. Nagkatinginan tuloy kami ni Drei at natawa. Ano ba kasing problema nila?

"Bakit? Ang sungit mo yata ngayon ah! "

"Talagang magsusunget ako sayo sa nalaman ko!! "

"Bakit nga kasi!? "

"Teresa Ruissel, ano tong nalalaman kong aalis ka hah? " sabi niya. Ah, ngayon alam ko na kung anong pinuputok ng buchi netong bestfriend ko. Isang linggo na kasi ang nakalipas ng magdecide akong sumama kina Drei papuntang S. Korea. Ah teka? Panu nakarating sa kanila to aber? Napalingon tuloy ako sa katabi kong si Drei. At pagtingin ko sa kanya, bigla siyang nagpeace sign sa akin. Haaayy nako talaga tsk!

"Ah.. oo.. bakit may problema ba dun? " sagot ko. Kinalampag niya ulit yung table.

"OO! MALAKI!! BAKIT HINDI MO KAAGAD SINABI SA AMIN HAH! SA IBA PA NAMIN NALAMAN! "

"Oo nga Tere! Nakakatampo ka! Nagbreak lang tayo, wala ka ng paki sa akin hah? Dapat sinabi mo kaagad sa amin ng napigilan ka kaagad namin! Nakakainis ka! " bigla namang sabat ni Leandro. At dahil Dyan, tumawa ako ng malakas.

"AHAHA! Alam niyo kung bakit tikom ang bibig ko sa bagay na yan? Kasi alam kong ganyan ang magiging reaction niyo. At pipigilan niyo pa ako.. "

"Talagang pipigilan ka namin! Hindi kami papayag na umalis ka!! " sabi ulit ni Leandro. "Akin ka lang! Dito ka lang sa Pilipinas! Hindi ako papayag na landiin ka ng mga koreano dun! " dagdag niya pa. Binatukan ko naman siya sa sinabi niya.

-TOIIINNNKKKSSS-

"Pupunta ako dun para mag -aral, hindi para lumandi baliw! "

"Kahit na! Pwede namang mag -aral dito sa Pilipinas diba? Bakit kailangan doon pa? Gastos lang yun! Dito ka na lang!!" sabat ni Angge. Nilapitan ko naman siya at niyakap.

"Alam mo bespren, natutuwa ako sa mga reaction niyo dahil alam kong mamimiss niyo ako. Pero.. final na kasi ang desisyon ko ee. Don't worry, may phone naman, may internet, kaya pwede pa naman tayong magkausap anytime na gustuhin natin. Lalo na ikaw, ang daddy mo nasa Seoul. Kapag namimiss mo siya, dinadalaw mo siya diba? Pag nandun na ako, hindi na lang ang daddy mo ang bibisitahin mo. Pati kami din ni Drei, tayong tatlo magbobonding tayo dun :)" sabi ko. At kahit itago sa akin ni Angge ang mukha niya, matapos kong sabihin yun, nakita kong ngumiti siya.

"Iiwan mo na talaga kami? " sabi ulit ni Leandro.

"Magkikita pa naman tayo kaya wag kayong malungkot.. pupunta lang akong Korea, hindi naman ako mamamatay ee haha!! " sabi ko tas bumaling ako kay Theo na kanina pa tahimik na nakayuko. "Diba Theo? Kaya smile na kayo dyan.." sabi ko. Bigla siyang tumingala at tumingala sa akin. That time, nakita ko kung gaano siya kalungkot kaya parang nagdalawang isip tuloy ako.

Hindi siya nagsalita. Ang ginawa niya, bigla siyang umalis. Nagworry tuloy ako kaya sinundan ko siya. Hinayaan ko muna yung tatlo dun sa loob ng kwarto ko at hinabol si Theo na lumabas ng bahay.

"Teka Theo! Ano bang problema mo? " sigaw ko. Tumigil siya sa paglalakad at lumingon ng masama sa akin.

"Tinatanong pa ba yan? " sagot niya. Natahimik ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Siya naman, sa sobrang inis niya, napaupo na lang siya sa may gilid ng bahay at natahimik. At syempre tumabi na lang ako sa kanya.

"Alam mo Theo, yan ang kinatatakutan ko.. Diba nga ang sabi ko kanina, kaya ko tinago sa inyo na aalis ako dahil ineexpect ko na ganyan ang magiging reaction niyo? Alam ko naman na hindi ko forever na maitatago ko sa inyo ang about dyan ee. Pero ang akin lang, ayoko ng umalis ako ng malungkot tayong lahat. Gusto ko, masulit ko ang mga araw na magkakasama tayo ng masaya. Kapag nalaman niyo to ng mas maaga hindi yun mangyayari diba? Malulungkot tayong lahat, nandito pa ako mamimiss ko kaagad kayo, at alam ko na pipigilan niyo lang ako. Kaya Theo.. sorry na.. wag ka ng magalit sa ginawa ko. Gusto mo ba na umalis akong hindi tayo nakakapagbonding? " sabi ko. Tumingala na siya sa akin.

"Naiintindihan ko. " matipid na sagot niya at napangiti naman ako dun. "Pero.. paano tayo?? " dagdag niya. Yung mga ngiti ko, unti-unting nawala. Napayuko ako. Oo nga pala, paano kami? Nangako ako sa kanya. Sinabi kong binigyan ko siya ng pansin, ng time, at ng chance. Pumayag siyang maging daan para malimutan ko lahat ng sakit at maging dahilan para matutuhan kong magmahal ulit. Pumayag akong magpaligaw sa kanya.

Pero paano nga ba mangyayari ang lahat ng yun kung iiwan ko siya?

"Theo.. naniniwala ka ba sa destiny?" sabi ko na lang. Ang baduy noh?

"H-huh? " nahihiwagaan niyang tanong. Hindi ako sumagot, hinayaan ko lang siyang marealize kung ano yung punto ko. Hanggang sa kalaunan nagets niya na yun at nagsalita.

"Ah.. destiny? Yun yung taong nakatadhana sayo diba? Yung kahit anong gawin niyo, mag-away man o magkahiwalay, sa huli kayo pa din ang para sa isa't-isa. Tama ba? " tanong niya. Tumango-tango ako habang nakangiti.

"Oo :) Naniniwala ka ba na kahit umalis ako, may pag -asa pa tayo? " sagot ko. Akala ko sa sinabi ko, magiging okay ang lahat. Akala ko, kahit papaano magiging maluwag na sa kalooban niya yung sinabi ko pero hindi pala. Bigla siyang yumuko. Yung yukong hindi ko na makita yung mukha niya. Naramdaman ko na lang kung anong nangyayari sa kanya ng marinig kong nanginginig na yung boses niya.

"Pero.. ayoko. Paano yun? "

"Huh? Paanong ayaw mo? "

"Gusto ko dito ka lang. Bakit ba kasi kailangan mong umalis? Dahil kay Axcel? Ayokong umalis ka. Dito ka lang sa tabi ko. Ayaw mo naman talaga sa akin diba? Pumayag ka lang na ligawan kita dahil pinagbigyan mo ako at dahil din sa mga panahon na to, nasasaktan ka. Ngayon pa nga lang na andito ka, hindi kita maabot ee. Paano pa kaya kapag nasa ibang bansa ka na? " sabi niya. Ramdam mo talagang malungkot siya dahil sa tono ng pan an a lit a niya. Napahawak tuloy ako sa kanya.

"Theo. Sabi mo naiintindihan mo ako? "

"Pinipilit kitang intindihin dahil mahal kita. Pero sa loob ko, masakit. Para kasing ang hirap na mawala ka. Minahal kita ng dalawang taon tas mawawala ka na lang bigla.. "

"Kaya nga sinasabi kong maniwala ka sa destiny eh. Hindi naman sobrang layo ng pupuntahan ko. Hindi naman ako mamamatay ee. Magkikita pa tayo. Korea lang naman ee. Kung talagang tayo, tayo. Hindi mo kailangang maging malungkot ng ganyan Theo.. " pakiusap ko. Makailang segundo pa siya nagsalita at nagbuntung hininga.

"Sige. Dahil mahal kita, o-oo na lang ako kahit ayoko. Kung talagang tayo, tayo talaga :) Magiging masaya ako sa desisyon mo.. " sagot niya. Natuwa naman ako sa sinabi niya.

"Salamat Theo sa pag -intindi. The best ka talaga kahit kailan.. "

"Syempre, mahal kita ee.. Teka kelan ka nga pala ang alis niyo? "

"Uhm.. sa Sunday na.. " sagot ko.

"Ilang araw na lang pala ang itatagal mo.. nakakalungkot.. "

"Ano ka ba Theo!? Wag ka malungkot! I promise, hindi ako papayag ng hindi tayo makakapagbonding for the last time. "

"T -talaga!? "

"Oo ba! Ano gusto mo ngayon na? San ba gusto mo pumunta? "

To be continued..

14000 Peso BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon