Chapter Fifty Nine

308 7 6
                                    

CHAPTER FIFTY NINE.

"EZEKIEL DREIZHEN SEBASTIAN CLEMENTE JR.!? "

"Yes! I'm back :D Namiss mo ako? "

AY SOOOOOWWWSSS!! Anong ginagawa ng isang yan dito? TT^TT

"Speaking of, andyan na siya :)" comment ni mama habang nakangiti. Si papa din galak na galak. Talaga bang namiss nila ang isang to? At siya, yang lalaki na yan sa harap ko, nakabungisngis. Teka, parang OP yata ako dito! Lahat sila masaya tas ako hindi? Akyat na ako!

-Freeze-

Wait a minute, mga readers ah. I-freeze muna natin saglit ang scenario na yan. Let me tell you something para naman maiclear ko ang isipan niyong naguguluhan ngayon. Alam kong nagtataka kayo sa unfamiliar character na lumabas sa kwentong ito. Kung ganun, ikukwento ko sa inyo kung sino siya..

Si Ezekiel Dreizhen Sebastian Clemente Jr., siya yung anak ng kakilala ng kaibigan ng kaaway ng nakasalubong na boyfriend ng saleslady sa mall na hinabol ng 83 years old lolo ng nakausap ng pinagbilhang tindera ng baboy sa palengke ng asawa ng pinsan ng manugang ng kapatid ng classmate ng apo ng kaworkmate ng tatay ng tito ko na may alagang aso -.- Gets niyo? Ako din hindi ee! Wahaha charot!

Okay, ulit.

Si Ezekiel Dreizhen Sebastian Clemente Jr., isa ko siyang kababata. Ay hindi pala! Itatanong ko lang sa inyo, kababata bang maituturing ang kakilala mo na siya since grade 3 pero never kayo nag -usap hanggang sa maghighschool na kayo? Hindi ano? Ang hirap naman kasi idetermine kung ano ba talaga ang relasyon ko sa kanya. Basta yun kami. Kakilala ko lang siya, siguro yun yung right term for us.

Nagtataka siguro kayo kung bakit siya bumisita sa amin kung hindi ko siya kaclose? Oh siya sige, magkukwento ako. Gusto ko sana na hanggang dyan lang ang pagpapakilala ko sa inyo about sa kanya dahil saling ketket lang naman siya sa kwentong ito pero sige, sasabihin ko sa inyo ang background niya. Tama na ring balaan ko kayo dyan sa lalaking yan! Bwisit kaya yan!

Yang si Drei, bata pa lang yan saksakan na yan ng sunget! Kapitbahay ko siya, magkaibigan ang mga parents namin at classmate since grade 3 pero never kami nagkausap. Para siyang araw -araw may mens. Hindi mo siya maa- approach dahil palapit ka pa lang, bibigyan ka na niya ng katakut-takot na tingin. Kaya palihim ko yang tinatawag na menopause baby ee nung highschool! Nakakabadtrip kasi yung kasungitan niya. Hindi nakakatuwa (-.-")

Pero one day isang araw, nung first year highschool kami, si teacher walang magawa sa buhay kaya pinagtripan niya kaming dalawa. Ang sabi niya ba naman sa buong klase:

"Class, parang bagay sila Teresa at Ezekiel ano? Magkamukha kasi sila ee wahaha!! "

Oh diba? San ka nakakita ng teacher na parang teenager mag -isip? At yung inabot namin sa mga classmate namin, isang napakalakas na kantsawan. Pero sa aming dalawa ni Drei, wala ang kinilig o kahit nga kumilos ee, wala. Nanatili lang kaming dedma. Aba ano ba namang pakielam namin sa isa't-isa?

At di lang dun natatapos ang kwento, mas lumala pa! Dahil yung teacher na yun, ginawa pa kaming love team! Pinagpapartner niya kami sa lahat ng bagay. Sa mga competition, sa mga sayaw, sa mga games at ginawa pa kaming seatmate. Nung field demo, sa Mr. And Ms. Buwan ng wika, at sa lahat ng games ng Christmas party namin, siya lagi ang kasama ko. Nasasawa na nga ako ee! Maging sa exchange gift, siya pa din. Akala ni teacher hindi ko alam na dinaya niya yung bunutan ng exchange gift? HA! Smart to noh! Tinuturuan niya kaya kaming lumandi! Mabuti na lang hindi ako nadala -.- Tsk. Kebata-bata pa namin para sa love -love na yan! Ganyan ba kami kacute sa paningin niya at sobrang favorite niya kaming pagtripan?

Fast forward, nung second year kami. Walang pinagbago, stranger siya sa paningin ko at siya din ganun. Then may transferee na nag -appear sa section namin. Ang matindi, kamukha ko din (oh sige, kami na ang triplets! Napaka generic ng mukha ko tsk!). Mas matindi, naging sila nung Drei na to. Pinakamatindi, kaclose ko yung girlfriend niya. At nung nagbreak sila, ayun ang pinakamatindi sa lahat ng matindi. Aba, ako sinisi nung girl! At anong kinalaman ko sa kanila?

Sinugod ako nung ex ni Drei, ang sabi :

"Ee kaya naman pala ako niligawan ng Ezekiel na yan ee! Dahil sayo! Kasi magkamukha tayo. At naaalala ka lang niya sa akin kaya niya ako nagustuhan! Badtrip bakit ba kita naging kaibigan? Hah!? "

Boom vaness! Pang heavy drama diba? Kinausap ko ulit siya kahit galit siya sa akin dahil hindi sa akin masyadong klaro yung pinuputok ng buchi niya. Inexplain niya naman sa akin at napag -alaman ko ngang si Drei, elementary pa lang may gusto na sa akin. At paraan niya lang ang pagsusungit sa harap ko para hindi ko mahalata yung nararamdaman niya. At nagsungit na din siya sa akin dahil daw alam niyang wala daw siyang pag -asa sa akin. Tapos nung desidido na siyang magtapat ng nararamdaman niya, dun naman niya nakilala ang kamukha ko kaya yun na lang niligawan niya. Nyek! Nung nalaman ko yan, nawirduhan ako ng bongga. Gandang dahilan ano? Oh well, intindihin natin, mga bata pa kami that time. Hindi ko alam kung totoo yung kwento niya. Pero mas mabuti ng lapitan ko si Drei ng magkaalaman na.

Hindi na kami naging friends nun. At syempre, nilapitan ko naman si Drei nung mga panahon na yun kahit alam kong tititigan niya lang ako dahil nga nawindang ako sa mga nalaman ko. Then, confirm! Umamin tong lalaking to sa akin na tama lahat ng kwento ng ex niya. Matapos ng pag -uusap na yun, humiling siya sa akin kung pwedeng manligaw. Pero sa kasamaang palad, hindi ako pumayag. Una sa lahat, may priorities ako na mas dapat kong unahin kesa sa pagboboyfriend na yan. Pangalawa, mga bata pa kami. Ni hindi pa nga ako nagmemenarche that time tas boyfriend agad-agad? Pangatlo, hindi ko siya type. Pang-apat, konting galang naman dyan sa nasasaktang ex na naging friend ko kahit papano naman oh!

Kaya hindi ako pumayag.

At ang nangyareh? Yung masunget niyang image, nag evolve sa pagiging bully. Ewan ko dyan, natapakan yata ang pagkatao niya sa ginawa kong pambabasted sa kanya. Magmula kasi nung hindi ako pumayag sa panliligaw niya, wala na yang ginawa kundi pagtripan ako at bwisitin ang buhay ko. Sa araw-araw na ginawa ng dyos, lagi niya akong binabato ng papel pag wala yung advicer namin, pinapatid sa tuwing dadaan ako, tinatago yung bag at lunchbox ko kung san -san. Yung mga ganung bagay ba? Simple pero rock! Nakakainis talaga! I hate my sophomore life dahil sa kanya. Hindi lang yun ang ginawa niya, ang pinaka nagpahighblood sa akin ng mga panahong yan ay ang pangingielam niya ng facebook account ko.

Hindi ba ang sabi ko kanina, friends ang parents namin at magkapitbahay pa kami? Kaya normal lang na dumalaw yan sa bahay. Kapal ng apog! Porque hindi alam ng parents namin ang war between us, feel at home siya? Derederetso kaya yan sa kwarto ko noon ng walang paalam kaya yung iniwan kong laptop na nakalog in ang facebook account ko, pinakielaman niya. Nagpost ba naman ng status na nakatag pa sa kanya at ang nakalagay eto..

"Hi friends! Buntis ako! I congratulate niyo naman kami ni Dreizhen oh!! :)" -- with Kiel Dreizhen S. Clemente VIXX

Na umani ng sandamukal na likes at samu't -saring reaction. Worst, nakarating kina mama at papa, sa parents niya at sa school.

Kamuntik na akong patayin ni papa nung malaman niya yan nuh! Si Mama naman nahimatay. Binalak pa nila akong pahintuin sa pag -aaral dahil sa nabalitaan nila. Inamin din pala ni Drei na boyfriend ko siya kaya agad na naniwala ang mga tao sa pinost niya. Tapos siya, tatawa-tawa lang sa kagagawan niya. See? Sukdulan ano? Abot outerspace ang sungay ng isang to. Mabuti na lang at naklaro ang lahat. Salamat sa pregnancy test at sa iyak kong walang tigil kaya nakumbinsi ko yung parents ko.

Sa mga nangyari, naging instant superstar kaming dalawa sa school. Daming nambully sa akin noon mapa social media man o school. Miski sa village namin, wala akong kawala. Bansag sa akin, malandi. (Ngayon alam niyo na kung bakit ganun na lang ang galit ko sa tuwing sinasabihan ako ng malandi. Masyado akong natrauma kaya ganun ko na lang hindi matanggap ang salitang yun)

Kalaunan napagpasyahan ng parents niya na pag -aralin siya sa S. Korea dahil nga sa kalokohang ginawa niya sa akin. Ultimo kaya buong angkan ko, nadungisan ang pangalan dahil dyan sa kampon ng demonyong anak nila! Kaya mabuti yun, dun na siya para di na kami magkita. Laking tuwa ko nung malaman yang balitang yan. Dati -rati, yung parents namin gusto kaming magkatuluyan. Pero sila na rin mismo ang nagpahiwalay sa amin. Haha sa wakas!!

At yun po ang masalimuot kong kwento. Ah teka, bakit ba ako nagsasayang ng oras ikwento yan? Hindi naman siya importante ee. Dami kong kwento nanakit tuloy ulo ko -.- Pasensya na, nadala lang sa emosyon. Nakakainis kasi. Dapat pala short introduction na lang talaga ang ginawa ko sa kanya. Naaalala ko kasi tuloy ulit ee. Pero mabuti yun, at least nabalaan ko kayo. Pag nakasalubong niyo tong lalaking to hah -->

Yung lalaking nakikita niyo sa media na nagngangalang Ezekiel Dreizhen Sebastian Clemente Jr., please lang, be ware of dogs.

14000 Peso BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon