Chapter Sixty Nine

222 5 1
                                    

CHAPTER SIXTY NINE.

"Hoy! Ang sarap ng buhay mo dyan samantalang si Teresa, iyak ng iyak!! " sabi niya nung makapasok siya at lumapit sa akin. Ipinikit ko naman ang mata ko na para bang walang pakielam at iniwagayway ang kamay ko sa kanya na para bang nagpapalayas ng aso. Nagulat na lang ako ng tapikin niya yung kamay ko kaya napamulat ulit ako. Tinitigan niya ako ng masama. Syempre papatalo ba ako sa maangas na isang to? Iritable kong kinunot ang noo at kilay ko kasabay na din ang pagtitig sa kanya ng masama na para bang nagsasabing 'ano na naman? Nananahimik na ako dito?'

"Wag ka ngang mag -inarte ng ganyan! Bakla ka ba!? " comment niya. At napaayos naman ako ng upo sa sinabi niya. Ako bakla? Naghahamon yata to ng away ee! Sapukin ko ulit siya ng malakas. Yung tipong hahagis siya sa white board na kaharap ko ngayon ng makita niya kung anong hinahanap niya.

"Pwede mo naman idaan sa matinong usapan kung gusto mong ituloy natin yung naputol nating suntukan kanina ee ng hindi nanglalait! Ano? Gusto mo ba? Sabihin mo lang, hindi kita aatrasan!! " sabi ko tas tumayo na ako at nagpatunog ng buto sa mga daliri. Bigla niya naman akong hinawakan sa kwelyo. Nagulat man ako dun, hinayaan ko lang siya. Nararamdaman ko na kasing naiinis na siya at yan ang magandang kalaban. Yung galit na galit para magkaalaman na.

"Hindi ako nandito para makipagsuntukan sa walang kwentang tulad mo!! Kahit pa gusto kong pulbusin yang mukha mo ngayon, papalipasin ko na lang para kay Teresa. " sabi niya. Tinapik ko naman yung kamay niyang nasa kwelyo ko.

"Oh tapos? Anong gusto mong gawin ko? "

"Puntahan mo si Teresa ngayon na umiiyak dahil sayo! "

"Ayoko nga! Ako pa ba ang magpapakumbaba sa kanya? Ako pa ba ang masama at kailangan magsorry? Hindi ba siya ang may kasalanan dito? "

"Wag masyadong mataas ang pride uy! Wag kang magmalinis, pareho lang kayo. "

"Bakit? Hindi ko naman sinabing hindi ako nagloko ah. Ang akin lang, MALANDI SIYA, TIMER. "

"Grabe ka makapagsalita! Hindi ko alam kung bakit siya patay na patay sayo kung ganyan naman ang lumalabas sa bibig mo!!"

"Masisisi mo ba ako kung ganito ako ngayon? Napatunayan ko na kaya may karapatan akong magsalita at magalit ng ganito. Tsaka anong sinasabi mong patay na patay? Hindi marunong magmahal yun.. "

"Yun na nga ang sinasabi ko sayo! Puro ka patunay! Wala ka naman talagang alam! Axcel, hindi sa lahat ng pagkakataon, mata ang ginagamit para maintindihan ang lahat. Utak ang ginagamit dyan! Ikaw, hindi ka nag-iisip! Mahal ka ng tao pero umaarte ka ng parang bakla. Sa tingin mo ba, iiyakan ka niya ng ganun kung hindi ka importante sa kanya? "

"Oo! Dahil lahat ng yun, acting lang. At kung totoo man, yun, umiiyak siya hindi dahil sa akin kundi dahil nabuko siya sa mga kalokohan niya. Yun lang yun at wala ng iba pang dahilan. "

"Ang purol talaga ng utak mo!! Umiiyak siya dahil sinabihan mo siya ng kung anu -anong masasakit na salita at dahil din hindi mo siya binigyan ng chance mag explain sayo.. "

"Bakit ba ang kulit mo? Bakit gusto mong puntahan ko siya? Bakit ako pa yung lumalabas na masama? Kung talagang totoo yung sinasabi mo na importante ako sa kanya, bakit nagawa niya akong tiisin? Nagawa niya akong hindi pansinin! Kung ayaw niya talaga ako mawala sa kanya, sana hindi niya pinatagal ang away namin. Kung hindi ko nga lang kayo nahuli kanina, hindi pa din niya ako kakausapin kahit nakapag explain na ako ee! Dahil hindi niya talaga ako mahal at wala siyang interes na magkabati ulit kami. Alam mo, nakakapagtaka ka! Diba girlfriend mo siya? Bakit ka nasa harap ko ngayon at nakikiusap? Diba dapat nagdidiwang ka na ngayon dahil nabawasan ng isa ang karibal mo? Kung si Theo nga ee, dedma lang. Si Teresa din hindi na rin ako nilapitan. Pero ikaw nagpupumilit na magkabati kami. Malabo ka din ano? "

14000 Peso BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon