Chapter Fifty Five

311 9 4
                                    

CHAPTER FIFTY FIVE.

Kinabukasan.

Gaya ng nakagawian, pumunta akong school. Pero mas maaga pa kaysa sa napag -usapan ng supreme student council. Ee kasi, wala lang. Wala naman akong gaga win sa bahay total sina mama at papa laging wala dahil sa work nila. Kaya ako, para naman makapaglibang ako, gagala -gala na lang ako dito sa school. Wahahaha! Ginawang mall ang school!? xD Kamongoloidan ko talaga ee nuh. 

Actually, hindi lang din naman yun ang dahilan. At kahit hindi ko na sabihin sa inyo, alam niyo na yan. Kailangan pa bang imemorize yan? Syempre pumunta ako dito para makita si Axcel. 

Haaayy! Kainis!! Bakit ba ako nagkakaganto. May problema na nga, ayaw pang tumigil. Ee kasi naman ee! Malay mo maayos pa? Oo gusto kong maayos. Pinangarap kong maging FIRST REAL and SERIOUS boyfriend si Axcel nuh. Well  dati si Theo yun pero ngayon nag-iba na. Pero ngayon, pangarap na nga lang ba talaga yun? Dati may chance mag katotoo ee pero ngayon wala na. Nganga. Subo blade, kain mangga -.-

Pero anyway, enough na sa imaginations ko at sa mga walang kakwenta-kwenta kong biro. Lahat na lang kasi ng bagay kahit problemado ako nilalagyan ko pa din ng konting biro sa dulo para masaya pa din ang buhay pero ngayon iba na. Kailangan ko ng magseryoso. Kasi, seryosong bagay na to. 

Haist. Bakit kaya napasok ako sa ganitong gulo? Good girl naman ako. 

Teka, good girl nga ba? 

Ah ewan. Dati naman hindi ko naman pinoproblema ang ganito ee. Wala, masaya lang ako kapag nakikita at nakakasama ko siya ee. Pero ngayon, iba na. Nasasabik akong makita siya ulit pero parang isang iglap, hinadlangan kami ng tadhana na magkita. At kahit iisang school, parehong time at malapit na bahay lang ang pinupuntahan namin, para pa rin kaming naghahide and seek dahil hindi ko talaga siya mahanap. 

Tapos sa wakas, nung last time, isang beses nakita ko siya. Pero sa kasamaang palad, may pinag -uusapan sila na hindi ko nagustuhan. 

Pero bakit hanggang ngayon, gusto ko pa din siyang makita sa kabila ng mga nalaman ko? Ganito na ba ako kadesperadang maayos ang gulo? Ee hindi ko naman siya boyfriend ee. Pero kahit na noh!? Kahit sino sigurong babae gagawin yung ginagawa ko dahil may feelings dun sa taong yun. Kahit pa ngayon na natatakot akong makita siya at baka mapatunayan kong baka tama yung nakita ko dun sa facebook, hindi ko pa din yun iniintindi. Iniisip ko pa din yun na isa lang yung malaking joke. O kaya naman trip lang. Alam naman nating lahat na ganun talaga si Axcel diba? Mabait siya sa harap ko pero una pa lang, ipinakilala ko na sa inyo na siya ay isang lalaking monggoloid, kalog, lokaret, maraming trip sa buhay, puro kalokohan, madaldal at bukod sa lahat, kabilang siya sa grupo ng pinaka maingay na barkada ng course at batch nila. Siguro nga sila pa ang pinaka maingay sa buong university namin ee. At kung ano yung ugali niya sa public, ganun din siya sa mga kaibigan niya. Sa akin lang naman nag -iiba yung ugali niya ee. Para siyang sinasaniban ng angel sa harap ko. Pero hindi ko siya hinusgahan noon dahil yun lang naman niya I express ang ugali niya at hindi naman siya mamamatay tao. Kaya hindi nakakapagtaka na pwede siyang mangtrip. Magtaka ka kung kaugali niya si Theo pero makita mo may ganung kalokohang nagaganap. Ala ee ibang usapan na yan!

Kaya ako talaga, nananatili pa din akong positive. Kilala ko si Axcel at hindi niya ako sasaktan. At kahit ano pang idahilan ng lahat sa akin para layuan siya. Kahit pa iuntog niyo yung ulo ko sa pader matauhan lang ako sa katangahang to, hindi magbabago ang isip ko. Kailangan ko munang makita bago ako tuluyang maniwala. 

14000 Peso BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon