Chapter One

1.2K 33 4
                                    

CHAPTER ONE 

1 month ago... 

"Uy gurl,  magcoconcert dito yung idol mo next month ah.  Tara nuod tayo. " chat sa akin ng isang fb friend ko na admin sa isang kpop group at president ng fans club na sinalihan ko. 

"Wat?  Kailan? Anong araw?  Bakit ngayon ko lang nalaman?  Final na ba yan? " sagot ko naman.  Kaasar!  Bakit ngayon lang tong balita?  Panu ako mag iipon? 

"Sa March 8. Malay ko naman sayo kung bakit hindi ka updated.  Tulala ka kasi lagi ee. Tsaka final na yan nuh!  Nakapag ipon na nga ako at nakabili na ng banner at shirt. " 

"Ugh!!  Ee magkano naman daw? "

"14000 VVIP.  kasama na meet and greet, picture taking, fan signing tsaka free album. Pero kung wala kang pera,  5000 okay na, sa dulo nga lang. "

My goodness!  14000 pesos,  complete package na?  Shocks gusto ko nun!  Hindi ako papayag na sila lang tapos ako hindi? Never! Pero,  yari.  Kailangan kong magdiet para makapag ipon.  Hindi naman kasi ako mayaman ee.  And take note,  next month na yun.  Ni singkong duling,  wala ako. Kaya kailangan kong magsacrifice para lang dun sa pinaka mamahal kong kpop group. 

"ah sige!  Count on me.  Sabay tayong manuod.  VVIP kukunin ko. "

"Yehey!  Sige aasahan kita ah. "

----

1 week before the concert.. 

UWAAAAAHHH!!! 

PATAY NA AKO  T.T

3000 palang naiipon ko. Wala pa sa kalahati panu na to?  Next week na yun. Hindi pa ako nakakabili ng fan shirt na susuotin ko.  Wala pa akong pocket money.  Oh my..  Napasubo ako ah,  mukhang hindi na matutupad ang one and only wish kong maka meet and greet ang idol ko.  Pisti naman kasi ee! Sinong tanga ang makakaipon ng ganung kalaking halaga sa loob ng 1 buwan na 300 lang ang baon everyday?  Eh,  hindi ko rin naman maasahan ang parents ko sa mga luho ko.  Ika nga nila:

"Kung may gusto ka,  paghirapan mo.  Wag kang aasa sa iba at matuto kang magbudget ng baon mo. Paano ka ma tututo kung ngayong maaga pa,  hindi mo na kaya?  Accountancy pa naman course mo, hindi ba itinuturo yan? "

Oh tapos?  Kabanas ano?  Pero okay lang,  may point din naman sila ee. 

Eh ang tanong, paano nga yung concert? Hindi naman pwede at ayokong mag back out sa concert! 

Ee kung manghiram na lang kaya ako sa mga neighbor -slash - friends ko?  Oo tama!  Siguro naman,  tutulungan ako nun nuh?  Magbabayad naman ako sa tamang panahon ee,  hindi naman ako tatakbo.  Sige na!  Kung gusto may paraan!  Kakapalan ko na mukha ko.  

14000 Peso BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon