Chapter Seventy Six

113 5 0
                                    

CHAPTER SEVENTY SIX.

LEANDRO'S P.O.V.

Ilang araw bago ang alis ng pinakamamahal kong ex, nasulit naman dahil tinupad niya naman ang pangako niyang magbibigay siya ng oras sa amin para makasama siya kahit sa huling pagkakataon. Araw -araw lumalabas kami. Araw -araw nakakasama ko siya. Minsan lalabas kaming lahat kasama si Angge, Theo, at Drei. Pero nakakainis kaya kapag ganun! Hindi ko siya masolo ee. Kung hindi ang bestfriend niyang si Angge ang lagi niyang kausap, ang soon to be boyfriend niya naman na si Theo ang lagi niyang kasama. Echapwera kami ni Drei, mukha na kaming magshotang bakla tuwing aalis kami kasi lagi kaming magkasama -.- Pero swerte pa rin si Drei nuh! Kasi sa Korea lagi niyang kasama si Tere. Eh ako? Nganga! Mabuti na lang at kahit ako ang pinakakawawa, binigyan niya pa din ako ng chance na lumabas kami ng kaming dalawa. Ooops! Wag kayong mag -isip ng kung ano jan katulad ko! Panu ba naman kasi, sa tuwing lalabas kami, lagi niya akong rineremind na "Hoy! Leandro! Friendly date lang to ah, wag kang assuming dyan! " Yan yan ang bukang bibig niya palagi sa akin. Ako naman, napapa "Opo. Maam, sabi ko nga po friendly date lang to -.-" na lang ako. Tas sa oras na kasama ko siya, para kaming aso't pusa. Kung kami makakasalubong niyo sa daan, hindi niyo maiisip na friendly date ang ginagawa namin. Aakalain niyo talaga na para akong criminal tas siya yung biktima. Bugbugan toda max kasi talaga kami. Alam niyo naman ugali niyan ni Tere pag kami magkasama diba? Parang kulang na lang patayin niya ako. Tinatalakan niya ako, hinahampas, sinusuntok, lahat na. Hindi pa rin siya nagbabago kahit marami ng nangyari. To think na naging kami for two months, at dati ang turing niya sa akin isang siraulong nangtitrip na manliligaw na walang ibang gawin kundi ang sirain ang araw niya. Mabuti na lang ngayon, naconsider na ako bilang friend niya. Okay na sa akin yun nuh! Kesa sa wala. Pero kahit ganun pa man ang relasyon namin sa isa't-isa, kahit mukha kaming tanga kakabangayan, wala ee, ganito talaga kami. At sa tingin ko, yun yung mamimiss ko kapag wala na siya :(( Haaayy.. I can't imagine na wala na ang babe ko!! Hindi ko kaya.. ikamamatay ko TwT

Okay ang oa ko na.

Ah basta, naniniwala ako na hindi pa ito ang end. May internet naman ee. Tsaka dadalaw siya, pangako niya yun. At pag hindi siya dumalaw, itaga niyo sa bato, ako susugod dun xD.

Ah anyway, bukas na pala ang alis niya. Kainis!

Teka, may hindi pa pala ako nababanggit ano? Nagtataka ba kayo kung asan na yung hayop na lalaking yun? Si Axcel ba kamo? Actually, wala kaming balita sa kanya. Oo totoo, kami talaga. Hindi lang ako, miski si Tere, wala talagang idea sa kanya. Para siyang bulang biglang nawala dahil pumutok. Binura na at itinapon na kasi ni Tere ang lahat ng pwedeng umugnay sa kanila tulad ng contact, mga regalo at iba pa. Minsan naopen to ni Drei sa kanya ee. Tinanong niya kung kumusta na si Axcel. Pero umiwas lang siya sa tanong. At ang kaisa -isang sentence na lumabas sa kanya..

"Malay ko, baka naghuhugas ng pinggan. "

Sabay kibit balikat pa yun ah. Bitter ano? Ganyan -ganyan pa siya, pero baka pag makakita lang yan ng poging kpop sa Korea, kalimutan niya si Axcel -.-

Pero anyway, ano na nga bang nangyari kay Axcel? Matapos niyang iwan sa ere si Tere, ano na kayang lagay niya? Masaya na kaya siya sa desisyon niyang iwan ng nag -iisa at nasasaktan ang babaeng mahal ko? O may bago na naman ba siyang babaeng sasaktan at balak iwanan sa huli?

--

Kinagabihan, hindi talaga ako makatulog. Bukod kasi sa aalis na si Tere, iniisip ko din si Axcel. Oy! Hindi ako bading ah. Naisip ko lang kasi na ako, bilang lalaki, nagmamahal lang naman ako. Ayoko naman na makita kong nasasaktan si Tere eh. Di bale nang ako, wag lang siya. Kaya gusto ko lang na mapasaya ko siya for the last time. Dati kasi ginawa ko silang pagbatiin pero palpak naman -.- Lalo lang silang nag -away. Salamat sa akin! Nakatulong ako ng sobra.. Pero ngayon, last chance ko na tong magpakita ng pagmamahal sa kanya kaya sana tagumpay na. Last chance na nga kasi to ee dahil aalis na siya. Kaya buo na ang desisyon ko, pakikiusapan ko si Axcel! Hahanapin ko siya, nasaan man siya.

14000 Peso BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon