Epilogue

208 6 0
                                    

EPILOGUE.

Patuloy na bumabagsak ang mga luha ko sa mata. Mahal ko si Axcel. Ay mali, hindi ko pala siya mahal, MAHAL NA MAHAL LANG. Pero wala ee, wala ng chance dahil siya na mismo ang sumuko kaya sorry na lang talaga sa akin.

At kahit wala siya ngayon dito, kahit hindi siya nag effort na puntahan ako, gusto ko pa din sabihin for the last time na..

Mahal ko siya :(

"Mama, papa.. Angge, Leandro, Theo.. " sabi ko kaya napatingin silang lahat sa akin.

"Babye :)" nanginginig na yung boses ko kakaiyak. Kumaway na akong lahat sa kanila at tumalikod na.

"Teka! Wag ka munang umalis! " sigaw ni Leandro na nagpatigil sa aming dalawa ni Drei.

"Kailangan na naming umalis. " sabi ni Drei. Humabol si Leandro sa amin at humarap sa akin.

"Ganyan ka ba talaga kabilis sumuko hah? " sabi niya. Ano daw?

"Huh? "

"Wala ka bang nakakalimutan? " kinapa ko yung bulsa ko. Wallet, cellphone, andito. Yung mga damit ko, tsaka remembrance nila, pati na din yung ibang gadgets nasa bag. Yung passport na kay Drei. Parang halos lahat naman yata dala ko.

"Wala naman akong nalimutan eh. Salamat sa concern :)" sagot ko kay Leandro.

"Hindi yan yung tinutukoy ko!! " sabi niya at napakamot na lang ng ulo.

"Ano ba yun? "

"Baka naman kasi gusto mong mag -antay ano? Kahit saglit lang.. Wala ka bang nakaligtaang taong pwedeng humabol? " sabi niya.

Ah alam ko na.. Si Axcel ba kamo?

Umiling-iling ako sa kanya. Hindi ko namalayang umiiyak na naman ako.

"Siya ba? Hayaan mo yun. " maikling sagot ko. Magsasalita pa sana siya pero inunahan ko na siya.

"Bye Leandro :) Tara na Drei.. " sabi ko ulit tas hinila na si Drei palayo.

"Teka nga lang kasi!! "

--

AXCEL'S P.O.V.

Takbo. Takbo. Takbo.

Kanina pa ako nag- aabang ng taxi, wala akong napala. Tapos nagdecide akong magjeep, punuan naman palagi. Bandang huli, nakahanap din ako sa wakas. Pero kamalasan nga naman, sobrang traffic! Haaayy nako, bakit ba kailangang ngayon pang nagmamadali ako? Paano na ako niyan makakahabol kay Teresa? Ilang minuto pa ako nag antay umusad yung traffic pero wala talaga eh, suko na ako. Bumaba na lang ako at nagpasyang tumakbo. Mas may mapapala naman siguro ako kung tatakbo ako diba? Kesa naman sa mainip ako kakaintay dun.

Tumakbo ako papunta sa airport. Effort kung effort, bilad na ako sa init pero ayus lang basta mapigilan ko siya. Salamat kay Leandro, natauhan ako sa kanya kung gaano sa akin kaimportante si Tere.

Pagdating ko dun, nakita ko kaagad sina Angge at Theo. Sa likod naman nila ay ang parents ni Teresa at ang pinakahuli kong nakita ay si Leandro. Nakita ko silang tahimik na palabas. Lahat sila obvious ang lungkot maliban kay Leandro na mukhang naiinis.

Teka, anong ibig sabihin nito?

Huli na ba ako?

Nakaalis na siya?

Agad akong tumakbo papunta sa kanila. At halata namang nagulat sila.

"Asan si Teresa? "

Sa tinanong ko, iba't-iba ang naging reaction nila. Yung parents ni Teresa, nag -alala. Si Theo, walang imik. Si Angge, natuwa. Si Leandro, sarcastic na tumawa.

"Haha! Wala na. Umalis na siya kaya wag ka ng maghanap. Kawawa ka naman, nagsayang ka na ng pagod sa wala. Ah oo nga pala! Kung sa bagay may pinapasabi nga pala si Tere sayo, umuwi ka na daw haha! " sagot ni Angge sabay alis. Sumunod naman sa kanya si Theo at yung parents ni Teresa. Nalungkot ako sa sinabi niya at napayuko na lang. Tinawanan niya pa ako at pinahalata pang ayaw niya talaga sa akin para sa kaibigan niya at tuwang tuwa siya sa nangyari. Tumingin ako sa naiwang si Leandro..

"Tama ba? Nakaalis na siya? Di na ako nakaabot? "

"Tanga mo kasi ee! Ano bang pinaggaga-gawa mo? Nagdalawang-isip ka na naman kaya nalate ka? Tama lang yan sayo! Magdusa ka!! " sagot ni Leandro at nilampasan niya na ako.

"Teka. " pagpigil ko kaya huminto siya. Hindi naman ako nagdalawang isip eh, nagkaproblema lang pero humabol naman ako.. "

"Wag ka na sa akin mag explain, wala na siya. Pinilit ko siyang magstay muna para makaabot ka pero wala talaga eh. Kaya pasensya na, yun lang magagawa ko sa inyo. " tapos umalis na siya.

Naiwan akong nganga. Sa sobrang lungkot at inis na nararamdaman ko, napaupo na lang ako sa gilid at yumuko.

P*ta! Lahat ng effort ko, wala.

Wala na siya, iniwan niya na ako. Paano na to?

Mahal na mahal ko pa siya hanggang ngayon. Paano na ako? Diba mahal niya pa din naman ako? Kaya bakit niya ako iniwan? Ang labo niya! At ang tanga ko rin. Kung kaninang umaga pa lang magmula nung malaman kong aalis siya, sana pinigilan ko na siya. Tama nga yung sinabi sa akin ni Leandro, may pagsisisihan nga ako pag hindi ko nagawang makausap siya at nararanasan ko nga yun ngayon.

Wala na. Wala na akong magagawa.

Umalis na siya.

Siguro hanggang dito na lang talaga kami. Ngayon alam ko nang hindi talaga kami para sa isa't-isa. Nag effort naman kami ni Teresa na mag work kaming dalawa hindi ba? Ilang beses siyang nag apologize, pero hindi ko siya tinanggap. Ngayon naman na ako yung naghahabol, wala ng pag -asa, huli na ang lahat. Ganito talaga siguro, kung hindi talaga para sa isa't-isa, kahit anong effort, tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para magkalayo.

Yung nararamdaman ko ngayon? Masakit.

Yung nararamdaman ko pa sa kanya? Mahal ko pa siya. Pero hayaan ko na lang yun. Makakamove on din naman siguro ako.

SIGURO.

Basta ang sigurado lang sa akin ngayon,

Wala na. Hanggang dito na lang kami. Hanggang dito na lang ang lahat. Hindi na ako aasa pa. Yung pinapangarap kong maging girlfriend siya, mapakasalan siya sa future, wala lahat ng yun.

Salamat na lang sa kanya.

Salamat at nakilala ko siya.

Salamat dahil naging masaya ako kahit saglit.

Salamat dahil naranasan kong magmahal at mahalin.

At kahit wala na siya, gusto ko pa din sabihing

Mahal na mahal ko siya.

='(

14000 Peso BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon