Chapter Twenty Six

401 17 5
                                    

CHAPTER TWENTY SIX.  

"Class dismissed " announced ni sir kaya naman lahat ng mga estudyante niya ay nagsitayuan na para makalabas ng room.

"Bye sir " sabi naming lahat at kami ng mga kabarkada ko ay nag sisuotan na ng mga bag at dumeretso na sa pinto. 

"Good bye and have a great day. " sabi ni sir tas kami ay naglakad na palabas. Pagkaopen ko ng pinto.. 

"Teresa!! :) " bati sa akin ni Theo na nag iintay pala sa harap ng room ko. Teka, pumapasok ba to? Baka naman napapariwara na to sa akin? At gaya nga ng advice sa akin ni Anastasia, kelangan kong pumili sa kanila para lang mapagtakpan ang mga mali ko. Pinili ko si Axcel since siya lang ang walang kasalanan sa akin kaya isasacrifice ko si Theo.

Tinaasan ko siya ng kilay. Tama to para matapos na yung ugnayan namin..

"Anong ginagawa mo dito? " pagtataray ko. 

"Whoah! Nagsusunget ulit ang mahal ko!? " sabi niya. Potek! Lumelevel na talaga siya kay Leandro. Dati mahinhin to ee, anyareh? 

"Sagutin mo ako ng maayos.. " 

"Ah yun ba? Oo naman papasok ako para sayo nuh! Ginalingan ko pa nga kanina sa com arts namin ee dahil ininspire mo ako. :)"

"Good. " matipid na sagot ko tas umalis na at binunggo ko pa yung balikat niya para naman marealize niya na hindi na talaga mauulit yung nangyaring bonding namin last time. 

"Wait. Teka!! " pagpigil niya naman sa akin at hinila pa ako pabalik sa kanya. Hindi na ako sumagot at tinitigan na lang siya ng masama. Madaan ka sa tingin!! Arf! 

"Uhh.. date ulit tayo :)" alok niya habang nakangiti. 

"Ayoko. " 

"Bakit na naman ba kasi? Okay na tayo last time diba? " sabi niya naman na parang problemadong problemado ang mukha. 

"Theo, lubayan mo na ako. Hindi porque pinagbigyan kita last time, magiging close na ulit tayo. Kaya nga kita pinagbigyan ee, because that would be our last time na magkakasama tayo. Layuan mo na ako, hinding hindi ko malilimutan yung sinabi mo sa akin. " pagpapaliwanag ko. Nagulat naman siya sa sinabi ko at napakamot ng ulo. 

"Ahh. Yun ba? Magmove on ka na dun please. I'm so sorry pero dati pa yun ee so please mapatawad mo na ako okay? " sabi niya tas hinawakan niya pa yung kamay ko. 

"Hinding hindi ko malilimutan yun. At hindi din kita mapapatawad. " sabi ko na lang tas bumitaw ako sa hawak niya. 

"Okay. " sabi niya na sobrang dissapointed. "Pero di pa rin ako susuko sayo. " dagdag niya tas maya -maya pa ay nabigla ako ng bineso niya ako. Hindi ako nakapalag dahil hindi ko inexpect yun. "Bye :)" nakangiting paalam naman niya tas umalis na siya. Ay anubayan! Akala ko susuko na siya, bakit nakangiti pa din yun?? Haaayy nako naman!! 

14000 Peso BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon