Chapter Forty Three

291 13 1
                                    

CHAPTER FORTY THREE .

"Anong lugar to? " tanong ko sa kanya. Nandito kasi kami sa isang lugar na hindi ko alam. Hindi ko pa kasi napupuntahan to. Take note : gaya siya ng lugar na pinagdalahan sa akin ni Theo noon. Isang park na parang resort na wala namang pool. May mga nakahilerang benches, may mini flower garden, butterfly garden, at sobrang dami ng mga couples na nagdedate. 

Aw. May naalala tuloy akong malagim at karumaldumal na nakaraan >_< (haha! watta word!?)

Pero hindi naman siya yung exact place na pinangyarihan nung sa amin ni Theo, hawig lang naman.  

"bakit? Ayaw mo? Nakapunta ka na ba dito? " tanong niya. Umiling-iling naman ako. 

"Huh!? Ayaw mo? Romantic naman diba? " paawa epek pa siya. 

"May naaalala lang ako dito." tapos hinila ko yung kamay niya pero hindi siya kumilos. 

"Uhm. So gusto mong lumipat tayo? Saan ba gusto mo? " 

"Hindi wag na. Okay lang sa akin dito. Wag na tayo lumipat, maganda naman ee tsaka dito mo ako balak dalhin kaya bakit pa tayo mag -iiba ng lugar? "

"Okay lang sayo kahit may naaalala ka dito? "

"Oo. Hindi naman mahalaga yun.. basta ba siguraduhin mong uuwi ako ng may magandang memories dito hah :)" sabi ko at sinuntok siya ng mahina sa braso. 

"Sige ba, sabi mo ee ^_^" natutuwang sabi niya. 

Umupo kami sa isa sa mga benches doon tapos.. 

10 seconds.. 

30 seconds.. 

5 minutes.. 

10 minutes.. 

30 minutes.. 

Walang nagsasalita sa amin. Ang saya! -__-

"Hoy ano bang kamongoloidan yan! Magsasalita ka dyan o uuwi ako!? " sabi ko sabay binatukan ko siya ng mahina. 

"Aray >0<" sagot lang niya tas hinilot yung ulo niya. 

"Ngayon lang kitang nakitang tahimik at seryoso. Anong meron? May sakit ka ba? " comment ko habang chine-check yung noo niya kung maiinit siya. 

"Ano ka ba, wala! " masungit na sagot niya tas tinanggal ang kamay ko sa noo niya. Nak ng tokwa to! Akala ko mabait na dahil tahimik, sunget pa din pala -.- 

"Ee bakit ka nagkakaganyan? Anong bumabagabag sayo? "

14000 Peso BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon