Chapter Eleven

598 22 0
                                    

CHAPTER ELEVEN. 

"Wui. " pangangalabit sa akin ni Angge. 

"Wag ka nga. Gutom ako hah. Naku!  Tigilan mo ako,  seryoso ako" pagsusungit ko sabay subo ng pagkain.  Pero joke lang yun.  Nahihibang na kasi ako sa mga pangyayari ee. Love ko pa din yan nuh  :)

"Sunget!  Nagkaboyfriend ka lang,  ganyan ka na? " sigaw niya.  Tinitigan ko nga ng masama!  Pisti ee.  Problemado na nga ako,  lalo pa akong pinapaproblema. Boyfriend mukha niya. Si Axcel boyfriend ko nuh.

"Tumahimik ka dyan.  Baka gusto mong malunok to. " tas tinuro ko yung tumbler ko na pang BIG UHAW sa saksakan ng laki. 

"Ayaw mo kasing magkwento ee.  Ano?  Magkekwento ka o aasarin kita. "

"makita pa lang kita, asar na ako kaya walang pinagbago. "

"Argh!  Teresa..  best friend mo ba ako?  Hindi na kasi ako updated sayo ee.  May bago ka na sigurong pinagkekwentuhan. Tapos ang sunget - sunget mo pa na parang ayaw mong magshare sa akin. Parang pinagtataguan mo na ako. Dati pati pag utot mo ikinukwento mo sa akin, tapos ngayon yung mahahalagang pangyayare sayo ayaw mo ng banggitin sa akin. Hindi ko alam na boyfriend mo na si Leandro, paano na si Theo na mahal mo? Tsaka si Axcel na hyper super duper ultra mega ultimate crush mo? Ganyan ka na? Kinakalimutan mo na ako na best friend mo. May nahanap ka na sigurong bago?" 

"Oo.  Kain muna ako hah. " matipid na sabi ko tas tumalikod na sa kanya.  Haha! Ang salbahe ko xD Kawawa yung best friend ko na may hinanakit. Ee kasi naman nuh! Iniisip ko pa nga kung paano ko malalampasan sarili kong problema ee. Bahala siya dyan!  May sarili akong drama sa buhay ko kaya wag siyang magdrama sa akin ngayon,  wala akong time. Tsaka wag naman bastos,  kumakain ako ee.  Mamaya na siya. 

"Uh?  Ganun?  Sige dyan ka na. " malungkot na sabi niya tas nag walk out siya.  Drama?? 

-- 

Natapos ako kumain,  pero hindi pa din bumabalik si Angelica.  Mag isa lang tuloy ako sa lamesa.  Tss. Nagtampo talaga yata.. Hay nako! Ayoko pa kasing banggitin sa kanya yung about sa bet dahil malamang, babatukan ako niyan. Ineexpect kong papagalitan niya ako ng parang ganto:

"Hay naku Teresa! Bobo mo! Bakit ka nangutang dun sa tatlong adik na yun kapalit ng pagkasira nung love life mo! Pwede ka namang umutang sa akin ng hindi mo g***go sarili mo! O kaya kung nahihiya ka sa akin, pwede mo naman silang panuorin sa YouTube? Kelangan ka ba dun? Hindi ka naman nila kilala ee! Isipin mo, sa 14000 pesos mo marami ng mabubusog"

See? Ganyan yan! Daig pa nanay ko. Oo nahihiya ako sa kanya na mangutang kaya hindi ko siya nilapitan. Ayoko din naman na hindi ko masilayan ang mga idol ko kaya alang - ala sa kanila, kumapit ako sa patalim. Ay este! Ipinahamak ko sarili ko. Tanga ko nuh! Alam kong may mali ako pero para sa mga die hard fan na katulad ko, alam kong naiintindihan nila ako. 

Haay. Sana lang wag talagang magalit sa akin si Angelica.  Sasabihin ko naman sa kanya ee sa tamang panahon nga lang. Tsaka na! Kapag ready na yung ulo ko sa kaltok niya. 

14000 Peso BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon