Chapter Twenty Two

429 17 2
                                    

CHAPTER TWENTY TWO. 

"Uwaaaaahhhh T.T " pagmumukmok ko sa loob ng kwarto ko habang nakasalampak sa kama at nakayakap kay Celster. Humarap ako sa bed sheet ko na may napakalaking print ng idol ko. 

"Wui. Chanyeol, anong gagawin ko!? " tanong ko na parang sira sa isang nagsasalitang bagay called 'bed sheet '. Argh! Kahit muntanga ako ngayon, umaasa pa din akong sasagot yan at sasabihan ako ng I love you sa dulo nuh! 

Hue. Hue. Hue. <(TT^TT)>

Ang sama kong tao! Ang sama kong nilalang. Alam ko na ang right term for me. Hindi ako malandi or three timer, isa akong babaeng maitim ang budhi! Ump! Bakit ako ganito!? Ganito ba ako pinalaki ng mga parents ko? Waaahh!! Sabi nung tatlo kong mga magagandang neighborhood, pasasalamatan ko sila at the end. Pero bat ganun? Para yatang bawat araw, palala ng palala. Hmmmp!! Kinuha ko naman yung unan ko na may print ng mga idol ko tas tinuro ko yung mga mukha nila. 

"Ikaw. Ikaw. Ikaw. Tsaka ikaw. Kayo! Kung hindi ko kayo mahal, hindi sana magkakaganito ang buhay ko!! " sabi ko sabay sipa dun sa pillow na yun kaya nahulog sa lapag at yumakap naman kay Celster.

"Ah! Baliw na ako Celster!! Tulungan mo ko!! Namomroblema ako ngayon!! " sigaw ko kay Celster at piniga sa pamamagitan ng aking mga yakap na mahigpit na mahigpit na mahigpit.. 

Maya-maya pa ay kumuha naman ako ulit ng unan na may print ng idol ko. Oo sige, ako na mayaman sa gamit na puro print ng idol kong kpop group -.- Kung makikita niyo lang ang kwarto ko, nagmistulan kayong nasa isang kpop store sa dami ng kpop items ko. 

"D.O.!! MAGSALITA NAMAN KAYO NI CHANYEOL OH!! " sigaw ko ulit. Para akong tanga! 

"Sa sobrang wagas na pagmamahal ko sa inyo, tignan niyo ngayon! Masisiraan na ng bait on how to fix my problems!! At bilang gantimpala sa sacrifices ko sa inyo, balik kayo dito pakasal tayo!!" dagdag ko. Oo asawa ko na sila sa imagination ko, pero gusto ko ng mangyari yun sa realidad.

"Pssst. Huy! Ingay neto!! " biglang saway sa akin ni mama na pumasok bigla sa room ko. Napatayo naman daw ako sa gulat. Ay tupa! Privacy please.. 

"Ee mama! Nagdadrama ako dito! Labas muna kayo please lang po thanks!!" sigaw ko tas sumalampak ulit ng higa at niyakap si Celster at yung unan kong may print ng mukha ni D.O.Umiling-iling na lang si Mama sa kahibangan ko tas sinara na niya yung pinto. 

I hate life! 

I hate Anastasia! 

I hate Aliyah! 

I hate Grace! 

I hate my idols! 

I hate myself! 

Nakakainis lang. Ngayon ko lang narealize kung gaano ako kasalbahe. Ngayon ko lang narealize kung gaano ko paglaruan at paikutin sa mga palad ko yung tatlong lalaking yun. Nakakainis lang kasi na dati ang buong laman lang ng isipan ko kung paano ako makakapunta sa concert ng mga idol ko at hindi ko inintindi kung anong magiging resulta ng mga ginawa ko. Ang akala ko kapag hinalikan ko si Theo, iiwasan niya lang ako then wala na. Akala ko kapag dinedma niya ako, lilipas din yun at babalik ang dati naming pagkakaibigan sa huli. Kuntento naman ako na hanggang kaibigan niya lang ako ee, never akong nag assume. Hindi ko aakalain na magiging ganto yung sitwasyon namin. Na pinagsabihan niya ako ng masakit na salita pero ngayon pinapatunayan niya na mahal niya din ako. Hindi niya ba alam kung gaano ako kasaya nung malaman ko yun? Daig ko pa ang nanalo sa lotto. Hindi ko inexpect na masusuklian ang pagmamahal ko sa kanya. At kahit inis ako dahil nasaktan ako sa sinabi niya, sabihin na nating kinilig ako ng bongga. Hindi naman siguro mawawala ang pagmamahal sa isang pagkakamali lang diba? Gulong-gulo na ako! Para kasing gusto ko ng bumigay sa kanya -.- 

14000 Peso BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon