Chapter Seventy Four

133 5 0
                                    

CHAPTER SEVENTY FOUR. 

Pagkapasok ko ng school, dun ko na hindi na napigilang umiyak. May ilang mga taong nakakakita sa akin pero hindi ko sila inintindi. Sabihan niyo na akong baduy, corny, OA at kung anu -anong mga salitang gusto niyong sabihin sa akin. Pero hindi ko lang talaga mapigilang umiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko. 

Umupo na lang ako sa isa sa mga benches dun sa school at yumuko. Maya -maya pa ay bigla akong may naalala..

Flashback :

"Tere, punta ka sa Monday ng 4 pm sa SSC office, may meeting tayo.. " -Mel.

-Back to present -

Oh my! Monday ngayon diba!? Shocks!! May meeting kami!! 4 pm yun! Ee anong oras na!? 30 minutes akong late >w<

Agad akong tumakbo papuntang SSC office para makahabol sa meeting namin. Pagdating ko dun.. 

"Guys.. I'm sorry I'm lat-- "

O_____O 

Nagulat ako ng makita silang lahat na gulat na gulat din sa ginawa ko. 

"Excuse me? What are you doing here Ms. Ruissel? Can't you see? We are having a meeting right now so get out! " mataray na sabi ni AVP habang nakataas pa ang kilay.  Nagpalinga-linga ako sa lahat. Bukod kasi sa wala akong masagot, para kasi yatang may mali. Bakit kasi niya ako pinapaalis? Matatanggap ko pa sana na sigawan niya ako dahil late ako ee, pero hindi, sinagawan niya ako dahil gusto niya akong paalisin. Tamo, anong kalokohan to? Tell me -.- Nagpalinga-linga pa din ako.  Hanggang sa mahagilap ng mga mata ko ang dalawang babaeng baguhan na nakatingin din sa akin. Teka, sino sila? 

"Uhhh.. maam kasi.. " sabi ko habang kakamut-kamot ng ulo. 

"If there's an important emergency, approach us later! " sigaw niya pa. Huh? Anong later pinagsasabi nito? Pwede ba akong makipagmeeting sa kanila LATER!? Nagsisimula na kaya sila hello!? 

"Huh? Maam, hindi po pwede yun! Sorry po kung late ako pero wag niyo naman po sana akong paalisin. Nalate lang naman po ako ee, pero responsible pa din naman ako.. " pagpapaliwanag ko. Matapos kong sabihin yun, bigla siyang tumawa kaya naman yung iba ring members, nakitawa. 

Eh? o___O 

Lumingon ako kay Mel, nakayuko lang siya. Si Sean naman, nakatingin lang sa akin. 

"HAHAHA!! Ms. Former President, wag ka ngang magpatawa! Responsible? Hindi ba tinanggal na kita? Kaya ano yang sinasabi mo? For now, since malapit na ang pasukan, nag appoint muna ako ng  temporary president and vice president na kakatawan sa mga iniwan niyo ni Mr. Alfonso, at sila yun.. " sabi ni AVP tas tinuro yung dalawang babaeng baguhan na nakita ko kanina. Yung dalawang babae naman, matapos silang ituro ay ngumiti pa sa akin sabay kumaway. Haaayy nako.. "So, you don't have to apologize for being late because we don't need your existence here, okay? Just leave! You're wasting our time, dear!! " dagdag pa ni AVP at pagkatapos ay tumalikod na sa akin. At ako, syempre, pahiya na naman po ako at wala na namang ibang nagawa kundi ang isarado ang pinto at umalis na punong -puno ng disappointment sa sarili. Grabe, nakita ko yung tawa nilang lahat sa akin habang pahiyang-pahiya ako sa harap. Nakakainsulto lang. Tanga ko kasi ee, sa lahat ng bagay bakit yun pa ang nalimutan ko? Na tinanggal na ako sa SSC? Yan tuloy inabot ko,  pinagtawanan na naman. Eto ba yung tinatawag nilang karma? 

14000 Peso BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon