Chapter Sixty Eight

196 4 0
  • Dedicated kay Shernalyn Quijano Cruz
                                    

Dedicated to Ms. Shernalyn Cruz :) Hope you like it!! Oy yung ticket mamaya ah haha xD

CHAPTER SIXTY EIGHT.

LEANDRO'S P.O.V.

"Wala ng patutunguhan tong usapang to. Ngayon Teresa, malaya ka na. Bakit pa ako magtiya-tiyaga sayo samantalang marami namang ibang babae dyan? Mas gusto ko pa nga si Stefanie kaysa sayo ee! Sa kanya na ako, at dyan ka na sa dalawa mong syota! Magkanya-kanya na tayo! Total eto naman yung gusto mo ee! Yung layuan ka! Nung sinigawan mo ako sa elevator last week, ang sabi mo wag na akong magpakita sayo. Hindi ko maisip kung bakit nagkakandarapa ako sayo. Kung inaakala mong kinaganda mo ang sandamakmak na boyfriend, hindi! "

Matapos magsalita ni Axcel ay agad na siyang naglakad palabas ng auditorium na to. Napalingon naman kami ni Theo kay Teresa na kanina pa walang tigil sa pag-iyak. Sinundan niya naman to palabas at natalisod pa sa kakahabol at siguro ay dala na rin ng medyo madilim na paligid at sa luha niyang tumutulo sa mga mata niya.

Saglit kaming nagkatinginan ni Theo pero sumunod din kami sa dalawa. Pagkabukas ko ng pintuan, nasa malayo na si Axcel. At si Teresa naman, ayun. Nakatulalang nakatingin kay Axcel habang umiiyak pa din at nakasandal sa pader na obvious namang nanghina sa mga nangyari. Haaayy nakooo! Tong babaeng tong talaga! Kung hindi ko lang to mahal, kanina ko pa to sinigawan!! Pano ba naman kasi? Iyak lang ng iyak, hindi man lang mag explain dun sa hayup na yun! Nasabihan tuloy ng kung anu -ano! Kahit kelan talaga napakatarant*do ng lalaking yun! Grabe magsalita! Nasaktan tuloy ang babe ko. Pasalamat nga siya, sa aming tatlo ni Theo, siya ang mahal ni Teresa ee. Kung ako sa kanya, hindi ako mag -iinarte ng parang babae katulad ng ginagawa niya dahil sa aming lahat, siya ang pinakaswerte. Kung ako nga, isang taon ko ng hinihintay si Teresa na mahalin niya ako pero hindi niya nagawa tapos siya, andyan na ang grasya, aayaw-ayaw pa? Ang sarap niyang konyatan ng matauhan na siya. Bakit ba kasi yang Axcel na walang kwenta pa ang minahal ni Teresa ee. Pwede naman ako, mas better ako dun! Hindi ko magagawang magalit kay Teresa kahit ano pang kasalanan niya, papatawarin ko siya.

Lumingon ulit ako kay Teresa, nakaupo na siya at nakatungo sa mga braso niyang nakapatong sa mga tuhod niya at umiiyak. At nung lumingon naman ako sa katabi ko, nakita ko si Theo na pinagmamasdan lang si Teresa habang ganun ang kalagayan niya. Eto talaga! Napipi na yata siya! Kanina pa siya walang imik. Hindi ba mahal niya din ang babaeng umiiyak sa harapan namin ngayon? Bakit nagsawalang kibo pa din siya?

"Hoy ikaw Theo! Ano ka, display lang dito? Wala ka bang script? Bakit hindi ka man lang nagsalita hah!? Hindi mo man pinagtanggol si Teresa!! Natutuwa ka ba sa mga nangyayari ngayon dahil alam mong kapag nag -away yung dalawa, magtatagumpay ka na dahil alam mong ikaw ang sasagutin ni Teresa? Hah!? " sabi ko sa kanya habang dinuduro-duro siya. Umalis naman siya sa tabi ko at lumipat sa tabi ni Teresa. Umupo din siya at tinignan lang si Teresa kaya sinundan ko naman siya at umupo sa harap nilang dalawa.

"Tss. Hindi nuh! Hinayaan ko lang yung dalawa. Bakit pa ako makikisawsaw? Problema nilang dalawa yan.. " sagot niya sa akin habang pinapanuod pa din si Teresa na nakatungong umiiyak.

"Anong silang dalawa lang? Involve kaya tayo dito.. "

"Hindi naman kailangan patulan ang isang yun ee. Wala yung kwenta. Hindi natin kailangang ipaintindi sa kanya ang nararamdaman ni Teresa kung siya mismo ang umaayaw. Baluktot utak nun. Sarili lang niya ang pinapaniwalaan niya kaya wag na natin pilitin. May mas deserving pa sa pagmamahal ni Teresa.. " sagot niya sa akin. Hindi na ako sumagot at tinignan na lang si Teresa. Nakita ko siya, maayos ng nakaupo at tumigil na din sa pag -iyak pero tulala pa din. Humihikbi pa din siya at namamaga na ang mga mata. Namumula na din ang mukha niya lalo na ang ilong niya sa sobrang iyak. Kawawa naman ang girlfri-- ay este ex girlfriend ko, umiiyak sa lalaking di marunong magpahalaga sa nararamdaman niya. Kung ako na lang sana ang minahal niya, sasaya sana siya.

14000 Peso BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon