Capitulo Treinta y Kwatro: Mabuhay Ang Bagong...?

39.5K 577 133
                                    

CHAPTER 34

CHANDRIA/SCARLET'S POV

It's February, love week event na. Parang foundation day na school festival. A basta, ganun. Free kami sa lahat ng school work ngayong week basta asikasuhin namin yung sarili naming mga booths.

Wala namang masyadong nangyari. Normal lang. Walang nanggulong Miss Kaylee, walang epal na Zharm at walang nangyaring hindi kaaya-aya. Hindi rin dumating yung parents ko, as always.

Nandito kami ngayon sa may ground, inaayos yung marriage booth. Eto kasi yung naisip naming concept ni Zander. Kapartner ko siya 'di ba? Katulong namin yung ibang Art students na hinahandle ni Sir. Kaming Block-1 lang kasi yung inassign ni Sir na gumawa ng concept at yung iba niyang estudyante ay tutulong na lang. Kasama namin si Julia.

Si Jale at Vaughn naman, gumawa ng Jail Booth. Ayos 'no? Si Ethan at Anikka, Kissing Booth. Landi 'no? Si Kenjiro at Dhey, Maid&Butler Cafe. Sosyal 'no? Si JC at Drew, Horror Booth. Tapang 'no? Si Cade at Krisha, Ice Cream Booth. Takaw 'no? Si Cheska at Emil, Karaoke Booth. Astig 'no? At marami pang iba, basta lahat magaganda. Marami rin kaming mga bisita from other schools, open kasi sa lahat 'tong event.

"Mommy! Heehee!" tawag bigla sa akin ni liit habang humahagikgik. Ang likot likot, takbo nang takbo. Hayun, nakacupid na costume, may pana pang hawak-hawak. Ang cute lang e. Nakapampers lang na puti tapos may maliit na wings sa likod. Kagigil na bata. Tumakbo na siya at ginulo naman si Zander na inaayos yung tune ng itim niyang gitara. Nakaporma na nga ng all black, pati gitara black din. Ang adik masyado sa itim. Siya kasi yung taga-serenade sa fake marriage ceremony kaya may dalang gitara.

"Umma!" tawag naman ni Kaycee sa akin. Nakagoddess siya na costume, pareho kami. Si Juls kasi, pinilit ako. Naka-all white tuloy kaming pareho ni Kaycee tapos nakasuot ng crown na gawa sa pink roses.

"Bes! May magpapakasal na!" sigaw sa akin ni Julia. Marami na ngang tao dito sa loob ng academy. Katatapos lang kasi nung opening ceremony para sa event. Actually, yung nahuhuli nina Jale at Vaughn sa Jail Booth ang kailangang magpakasal dito sa Marriage Booth. Nangingidnap sila ng couples at potential couples. Pwede rin namang voluntary kung gusto nila. Ang dami ngang nanonood e. Nakablindfold yung babae at lalake na kinidnap ni Jale at Vaughn. Nagsisilbing pari si Nash, yung kapatid ni Dhey. Hindi nila alam kung kanino sila ikakasal pero "I do, Oo at Opo" lang ang pwede nilang isagot. Nakavoice changer rin kasi yung mic na gamit nila.

Nagsimulang kumanta si Zander ng Grow Old With You habang naggigitara. Nagsimula na rin yung ceremony. Binigyan ni liit yung lalake ng singsing at si Kaycee naman ang nagbigay sa babae.

"Ikaw lalake, tinatanggap mo ba si babae bilang iyong magiging asawa, sa hirap at ginhawa, umaraw man o bumagyo, maghubad man ang maraming babae sa harap mo o may magkamaling pumatol sa'yo. Pinapangako mo bang hanggang kayo'y maging gurang, walang hiwalayan?"

"Yes Father," sagot ng lalaki.

"Ikaw babae, tinatanggap mo ba si lalake bilang iyong magiging alipin--este asawa, sa hirap at ginhawa, umaraw man o bumagyo, akitin ka man ng maraming gwapong kalalakihang may abs o mabulag sa silaw ng kayamanan. Pinapangako mo bang hanggang malagas ang buhok niyo at kumulubot ang balat niyo, walang hiwalayan? Peksman, itaga mo man sa bato, mamatay man si Batman?"

Dreams, Destiny, and You?Where stories live. Discover now