Epilogue

29.2K 611 54
                                    

The Ending

Kailee's POV

My whole stay in the mansion was good.....not.

Matapos ng araw na pumunta ako sa Park Empire at nagpakilala bilang bago nilang CEO kahit hindi pa naman talaga kami nagkakapirmahan hangga't hindi ako naikakasal ay hindi na ako nakatulog ng maayos.

Well, nakatulog ako dahil sa pagod, both emotionally and physically. Pag-uwi namin sa mansyon ay nagkamustahan kami nina Pamela at Ella pati na rin ng iba pang staff sa mansyon na naka-close ko na. Ibinigay ko sa kanila lahat ng pasalubong na binili ko talaga para sa mga kasama namin sa bahay para sa pag-uwi ko at iyon lang ata ang nakapagpangiti sa akin ng araw na iyon sa lahat ng nalaman ko.

Napangiti na lang ako ng makita kong masaya sila. My father gave me a week of vacation before participating in planning the wedding. Sinabi nila na handa na ang lugar na pagdadausan ng kasal, ang reception, at iba pa maliban na lang sa gown na susuotin ko kaya iyon ang pinaasikaso sa akin ni tatay.

Nag-offer syang magpadala ng mga sikat na stylist na pwede nyang ma-contact pero hindi na ako pumayag at sinabing ako na lang ang maghahanap ng shop na kaya ang mabilisan dahil nga next month na ang kasal. Good thing that I already found a shop that could, at hindi ko man dream wedding ang mangyayari dahil hindi naman ang lalaking mahal ko ang pakakasalan ko, minabuti ko pa ring sabihin ang dream gown ko dahil minsan lang naman ako ikakasal. Mapasaya man lang ako ng gown ko kahit papaano sa araw na matatali ako.

Noong paguwi ko lang din nalaman na hindi na pala sa mansyon naninirahan si Alex kundi sa dati nilang bahay na pagmamay-ari ng tatay nya na bumalik naman muli ng America, pero sya pa rin daw ang butler ng manyon ng Park at nauwi na lang daw kapag ala-singko na dahil may kalayuan ng kaunti ang subdivision nila sa mansyon.

That's a good thing though, dahil hindi ko na kailangan umiwas kapag maglalabas-masok ako sa mansyon. Dahil iyon ang naging desisyon ko, iiwas ako sa kanya dahil alam kong ikakasal na sya sa iba.


Ngayon nandito ako sa kwarto ko habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Halos walang pinagbago ang kwarto ko dahil kung paano ko iniwan ay ganoon ko din nadatnan, malinis pati at siniguro nina Ella at Pamela na walang bahid ng alikabok ang kwarto sa nagdaang mga taon.

Kakagaling ko lang para sa last fitting ng gown ko at hindi pa ako nakakapagbihis ng pambahay at nahiga na agad ako sa kama.


These past few days ay para akong robot, kumikilos ako pero wala akong nararamdaman, it was like I was lifeless at namanhid na ako. Down na down ako kasi naisip ko, meron nga ako ng lahat, pero wala naman sa akin ang lalaking mahal ko. Ang tanga lang dahil kahit umalis ako ng bansa ay hindi pa rin ako nakamove on, samantalang sya nagawa nya, at magpapakasal na sya sa iba.

Kaya tingin ko sa araw ng kasal ko ay para akong tuod na maglalakad sa aisle, hindi ko pa kilala kung sino ang mapapangasawa ko pero naaawa na ako sa kanya dahil sigurado akong hindi ko maibibigay ang reaksyon na maaaring hangadin nyang makita sa bride nya sa araw ng kasal nila.

Sabi ni tatay ay matinong lalaki naman daw ang nahanap nila, inalok nya ako kung gusto kong makilala at magseset sya ng appointment para sa aming dalawa pero tumanggi ako. Hindi ko kayang humarap sa mga tao ngayong wala mismo akong gana para bumangon.


Bahala ng magkagulatan na lang kaming dalawa sa araw ng kasal namin.


Naupo ako at tinignan ang paligid ng kwarto ko, naalala ko yung unang punta ko dito at hindi pa ako sanay sa turing prinsesa sa akin. Naisip ko tuloy, kung hindi ako nahanap ni tatay bilang anak nya, siguro may kalayaan akong mahalin at pakasalan ang taong mahal ko, na hindi ko kailangan sumunod sa kagustuhan ng ibang tao para lang makuha ko ang gusto ko.

The Princess And The Butler [Completed]Where stories live. Discover now