Thirty Eight

19.9K 472 11
                                    

Melancholy

Kailee's POV

How touching, paguwi ko ay may nakahanda na agad sa movie room ng mansyon ng mga nirequest ko kina Piolo at Johnny.

Ella and Pamela insist on watching a movie with me pero humindi ako. I told them not to disturb me. Mabuti na rin at wala akong masyadong iintindihin dahil semestral break na.

I watched a movie while eating ice cream, nakapajama na ako at malaking t-shirt, inipit ko ang buhok ko into a bun pero dahil wala akong kaide-ideya kung paano ang tamang pag-iipit ay naging magulo ang kinalabasan.

Malamig sa loob ng movie room, maraming bakanteng upuan kaya mas lalo kong naramdaman ang lungkot, pero ngayon ay wala muna akong pake. Because I need time to be alone.

Natawa na lang ako sa sarili ko dahil mukha akong kakagaling lang sa break up na nagluluksa sa pagkadurog ng puso eh kung tutuusin ay wala namang kami.

It was just a test for him, at nagpadala ako sa agos na nararamdaman.

Walang kami, pero nadurog ang puso ko.

Suminghot ako ng maramdaman kong tutulo na naman ang sipon ko, romcom ang pinapanuod ko pero naiyak ako. Mas binalot ko na lang ang sarili sa makapal na kumot ng broken hearted care package na ginawa ng mga kaibigan ko dito sa mansyon.

Tuloy lang ako sa pagsubo ng ice cream ng may kumuha sa kutsara ko at kinain ang dapat na last scoop. Napatingin ako sa mapangahas ng nagnakaw ng ice cream ko at agad syang tinignan ng masama.

How dare he!

"What? Naubos mo nga ang isang galon, ipagdadamot mo pa ang isang kutsara." Natatawang saad ni Aidan.

Inirapan ko sya at piniling magfocus na lang sa movie sa harapan.

I saw him from the corner of my eye that he removed his shoes at nakisiksik sa kumot na nakapatong sa akin.

"Ano ba!" Angal ko pero pinitik lang nya ang noo ko kaya nakatanggap na naman sya ng masamang tingin sa akin pero hindi nya lang pinansin.

Inis na ibinalik ko na lang ang tingin ko sa screen at napansin kong ganoon din sya.

"Masakit?" Tanong nya maya-maya.

"Sobra." Sagot ko.

Kahit hindi ko tanungin, alam ko ang ibig nyang sabihin.

"Gaano kasakit?" Tanong nya.

"Sagad hanggang buto." Sagot ko ulit kahit hindi naman kami magkaharap na nag-uusap.

"Kaya mo pa?" Tanong nya ulit maya-maya.

"Siguro. Oo. Hindi. Ewan." Di ko siguradong sagot.

"Halika nga dito." Sabi nya at naramdaman kong hinigit nya ang braso ko payakap sa kanya.

I landed on his chest and hugged me tighter. Automatic na naglandas ang luha sa akin and Aidan was just there, rocking me like a baby while trying to calm me down.

"Atleast nakaranas ka na ng first heart ache." Sabi nya maya-maya.

"Is that even a good thing?" Tanong ko na nakayakap pa rin sa kanya na akala mo tatay ko sya.

"Oo naman, there's always a good thing in everything. Nalaman mo na kaya mo palang magmahal ng higit pa sa pagmamahal na alam mong kaya mo." He said as he looked at me.

Inalis nya ang pagkakayakap sa akin saka ako hinawakan sa magkabilang balikat.

"Did you know that I was one of those cliché's in some bestfriend stories na nainlove sa bestfriend nya? That I loved my bestfriend secretly because one day, I woke up that I saw not just the girl I am always with but a woman I could share my life with."

The Princess And The Butler [Completed]Where stories live. Discover now