Special Chapter Four

23.5K 426 19
                                    

Alexander's POV

"Dad, pinag-aralan ko na yung latest proposal na ibinigay nyo sa akin but its a trash so I put it where it should be."

I looked at my son standing infront of me. I removed my reading glasses before answering him.

"I knew you would do that. So why do you think its a trash?" Curious na tanong ko and he sat on the chair infront of my table saka nagsimulang magpaliwanag.

"Well, I just know that its not worth it." Sabi nya kaya napapailing na lang ako sa ugali nya.

Steven is already in college at hindi na ako nagtaka kung bakit business management ang kinuha nyang kurso. He's very open in managing our business at ngayon nga't eto sya, nagtetraining habang nag-aaral.

My wife doesn't want to give him a position not until he finish his studies. Wala kaming nagawang mag-ama since my wife's the boss.

"Love, have you check--oh? Steven, I thought nasa school ka pa?" My wife said ng pumasok sya sa opisina ko na katabi lang ng kanya.

My son kissed his mom's cheek saka naupo ulit.

"Wala kaming klase mom, di umattend yung prof." Dahilan ng anak ko pero alam kong meron talaga silang pasok.

Of course, he's studying in PLU kaya alam kong absent na naman ang anak ko. Napasok lang sya kapag major exams at pineperfect nya kaya wala ng masabi ang mga prof nya't pinapabayaan na lang sya.

"Ha-ha. Like I would believe you Stephen Kyle King, I have your daily attendance sa school mo and you are perfect on it. Perfect no attendance." Sagot ng asawa ko.

And yeap. She knows it too.

Sa tagal naming mag-asawa, Kailee is still beautiful, ni hindi nga halata sa kanyang nanganak na sya ng tatlo, and I can't help falling for her over and over again dahil napakaraming rason na ibinibigay at ipinapakita sya sa amin para lalo ko syang mahalin.

I am very thankful that she came into my life pati na rin ng mga anak namin.

Years have passed but she still looks the same, mas nagmature lang dahil sa pagiging ina nya't asawa sa amin. Pero makulit pa rin at same old Kailee that I met.

"I love you too love, mamaya mo na ako titigan at pagsabihan mo'tong anak mo." Sabi nya na nakapagpabalik sa akin sa pinaguusapan namin kanina.

"I love you too. Now where were we?" Tanong ko sa kanila at nakita kong kumunot ang noo ni Stephen.

"Dad, you look so inlove with mom that it gave me goosebumps." Komento ng anak namin kaya natawa ako.

"Soon anak, you'll experience it soon. Wala ka bang napupusuan na babae Stephen? You're already eighteen, pwede na yan." Sabi ko ng natatawa.

"Oo nga anak, wala ka ba man lang ipapakilala sa amin na girlfriend mo?" Curious ding tanong ng asawa ko at sinapo pa ang magkabilang pisngi ng anak namin.

Akmang sasagot na si Stephen ng magsalita ulit ang asawa ko.

"Ah! Basta, wag muna pala. Baby pa rin kita. Nakuu!! Namimiss ko yung pisngi mong mala-siopao anak. Mamaya pakakainin kita ng marami para bumalik yung pisngi mo sa dati--"

"Mom!" Angal ng anak ko kaya natawa kami parehas ni Kailee.

"I'm just kidding anak. Uy~ nagpapapogi. Kanino ba anak? Dun ba sa katapat bahay natin sa subdivision ng lolo mo? What's her name again?" Dire-diretsyong sabi ng asawa ko at napansin kong natigilan ang anak namin.

"Stephanie mom, Stephanie's her name." Walang gana na sagot nya kaya napatigil din si Kailee.

"Aww..hug ka na lang ni mommy. Don't be sad anak. She'll be back soon, and if she's the one for you, kayo at kayo pa rin ang magkakatuluyan sa huli." Sabi nya sabay yakap sa anak namin at iginiya nya sa may sofa sa opisina ko.

The Princess And The Butler [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon