Forty One

19.3K 436 7
                                    

Time

Third Person's POV

Unti-unting nakakapag-adjust si Alex sa nangyayari sa buhay nya. Matapos ang isang linggo ay bumalik na sya sa trabaho, ginawang habit ng kanyang ina ang pagdadala ng lunch sa opisina nya, minsan ay sasabayan sya nitong kumain o kaya ay pagsisilbihan sya ng ina at pagkatapos ay ito na rin ang mag-uuwi ng kanyang pinagkainan.

Minsan ay ihahatid nya ang ina sa bahay nito, doon nya nakilala ang napangasawa ng ina maging ang mga kapatid nya sa side nito. They were happy to meet him at minsan ay nakikipaglaro sya sa mga ito kahit nakakapanibago man. He tried to socialize with them at doon nya naramdaman ang saya ng may kapatid.

Sa bahay nila sya muna pansamantalang nanirahan at inihabilin nya muna ang mansyon kay Ms. Teressa matapos nya ring magpaalam kay Magnus. Pumayag naman ito at ito pa nga mismo ang nagsabi na sa ama muna nito sumama't tumuloy.

Sometimes Alex and his father would play golf, minsan ay chess kapag hindi maganda ang panahon. Kasabay noon ang pagkukwentuhan nila patungkol sa mga bagay-bagay na walang halong negosyo sa usapan.

He learned to open up to his father about his life at ganoon rin ito.

"You know Alex, anak nga kita, sa lahat na lang ng mamamana mo sa akin ay iyong pagkikimkim ng saloobin pa. We both don't know how to tell our feelings. We tend to do the opposite sa kung ano talaga ang gusto natin, and I admit that it's not a good trait." Saad ng ama habang naglalaro sila ng indoor golf sa may garden.

"I know. And..?" Saad ni Alex habang nakafocus sa pagtira ng bola pero hindi nya din magawa dahil wala sya sa focus. Kaya't itinukod na lang nya sa lupa ang hawak at tumukod dito.

"And I think dapat lang na bumawi ka sa anak ni Magnus pag-uwi nya. I'd like to meet her Xander, simula pa lang ay sya na talaga ang gusto ko para sayo. Lalo na ng makita ko sya noong nagbirthday sya noon." May ngiting saad ng ama kaya napangiti na lang si Alex habang naiiling.

"Parehas kayo ni tito. She just turned six that time pero iniisip nyo na agad ang lovelife nya." Sabi nya sa ama pero pabiro syang siniko nito kaya nawala ang pagkakatukod nya sa isang paa at muntikan ng ma out of balance kaya't natatawa ang tatay nyang hinawakan sya sa braso para maibalanse sya.

"Anak, hindi naman parehas ang sasabihin namin ni Magnus sayo kung hindi namin alam ang kalokohang ginawa mo. Do you remember the time where you asked your yaya Trining to tell you where my safe box is dahil doon nakalagay ang binigay sayo ng lola mo na heirloom ng pamilya?"

May mapanuksong ngiti ang ama nya at hindi nya maiwasang mamula ang tenga dahil hindi nya inakalang alam pala ng ama nya ang ginawa nya.

Umiwas sya't naupo sa isa sa mga upuan na nasa garden at uminom ng nakahandang juice.

"You sneaked into my home office ng hindi pumayag ang yaya Trining mo na sabihin sayo. You're one smart little kid at nagulat na lang ako na kabisado mo ang password. You gave her the necklace on her birthday right? Pinalabas mong regalo mo iyon sa kanya." Natatawang kwento ng ama nya kaya't wala syang nagawa kundi mapabuntong hininga at tumango.

"Okay, you got me there, but how did you know?" Tanong ni Alex sa ama.

"Well, Trining told me, at nakita ka namin ni Magnus noong mismong araw ng birthday nya na ibinigay mo iyong kwintas sa kanya. Nice move on kissing her cheeks son, real quick." Pang-aasar ng ama kaya inirapan nya ito pero napangiti na rin dahil naalala nya ang mga galawang ginawa nya noon sa dalaga.

She fell in love to Kailee the moment she saw her. Masaya sya kapag napapatawa nya ito, he never saw her as a little sister dahil the moment na makita nya ang dalaga, nakita na agad nya ang future nya na ito ang pakakasalan nya.

The Princess And The Butler [Completed]Where stories live. Discover now