Twenty Five

24.4K 507 12
                                    

Curiosity

Kailee's POV

Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko.

Ang tanga tanga mo talaga Kailee.

Sinabi mong papahirapan mo sya para sya na mismo ang umayaw sa pagiging bodyguard mo, tapos kahapon naman plinano mong  gusto mo syang makitang ngumiti.

Ano ba talaga???!!

Okay, nababaliw na naman ako sa pagkausap sa sarili ko.

Pero kasi bat ba ako masyadong concern sa kanya?

Ah ewan! Bahala na! Que sera sera!

Whatever will be! Will be!

"Young lady, baka po malate kayo." Paalala ni Pamela kaya napatingin ako sa kanya.

Tumango ako't tumayo saka inayos ang buhok. Kanina pa ako nakabihis pang-alis, pero dahil napaaga ang gising ko ay naisipan ko munang mahiga at umisip ng mga bagay-bagay.

Si Pamela na ang nagprisintang mag-ayos ng higaan na hindi naman masyadong nagulo at nagpasalamat na lang ako sa kanya't lumabas na ng kwarto.

Nakasalubong ko naman si tatay na nakapang-office attire nya.

"Papasok ka na anak?" Tanong nya.

"Opo tay, kayo po? Kamusta naman po sa trabaho?" Tanong ko.

"Mabuti naman, ganoon pa rin. Tara't kumain na." Sabi nya sa akin kaya tumango ako.

Pagdating namin sa dining hall ay nagtaka ako kung bakit wala si sungit. Usually kasi ay nakaupo na sya agad at nagbabasa ng kung ano saka sya sasabay sa amin.

"Nagpaalam si Alex na hindi ka nya masasamahan ngayon. He has an important meeting that's why pinadagdagan ko ang bodyguards mo." Sabi ni tatay kahit hindi naman ako nagtatanong.

Nagkibit balikat ako at naupo saka kami kumain.

"Tay, nga pala. Si sungit po pala ang may-ari nung PLU no?" Tanong ko.

"Yeah, sinabi ba nya sa iyo yun?" Tanong nya.

"Well, may nangyari kahapon sa school kaya nabuking nya." Paliwanag ko. Nakita ko namang tumango si tatay.

"Actually that was built because of friendship." May ngiting sagot ni tatay kaya lalo akong nacurious.

"Paanong friendship tay?" Tanong ko.

"PLU stands for Park and Lee University. Alex' grandmother, Mrs. Lee, she told me that she wanted to build a school na nagkataon namang sa lupa na pagmamay-ari ko nya gustong itayo. I met her through Alex' father that was a good friend of mine, until now."

"Kaya napagkasunduan na lang namin na itayo nila doon ang school nila ng libre, tutal naman ay magkaibigan naman kami at may tiwala ako sa mga Lee. But the land remains to be owned by us." Paliwanag ni tatay.

"Ahhh....nasaan po ba ang parents ni sungit?" Tanong ko.

"Alex father is in the US, he's the one managing their business in there. While his mom, he doesn't have a mother, well that's just based on his beliefs."

"So you mean, meron syang nanay pero ayaw nyang maniwala na may nanay sya?" Naguguluhan kong tanong.

"No, what I mean is, his mother is still alive living somewhere we don't know but he chose to forget her. That's all I can say anak, much better if you ask Alex himself." Sabi nya sa akin saka ipinagpatuloy ang pagkain.

The Princess And The Butler [Completed]Where stories live. Discover now