Two

31.6K 746 7
                                    

Back to present

Kailee's POV

Pagmulat ng aking mga mata, ibang kisame ang bumungad sa akin. Kulay creme at makinis na kisame na malayo sa apartment kong malapit ng bumagsak.

"Aray..."

Agad akong napaupo pero bumalik din ako sa pagkakahiga dahil sa sakit ng ulo. Sinapo ko ang aking noo at tama nga ang hinala ko.

May sinat ako.

Teka! Asan ako? Bakit iba ang suot ko?!? shet!

"Wait lang Kai, tignan mo muna paligid mo. Nasaan na ba ako? Ang tanga tanga mo talaga. Baka nakidnap ako. Kaso ang ganda naman yata masyado nitong hide out?"

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto sa isang tabi. Mula doon pumasok ang tatlong maid na dala ang mga gamit ko.

Hala! Bakit nasa kanila mga gamit ko?!

Kasunod nila ang isang lalaki na nakasuot ng itim na suit.

Wait!

Naalala ko na! Sya yung kahapon. Kahapon.

Kalmado ang mukha nitong tumayo sa gilid ng kama na kinalalagyan ko. I mean, poker faced pala.

"Hoy! Saan mo ako dinala?! Kidnap toh! Nasaan ako?! Saka sinong nagpalit ng damit ko?"  Agad kong bungad sa kanya.

"Good morning to you too Ms. Park. The maids change your clothes last night and we are here in the Park residence specifically in your room."

Agad akong napahawak sa ulo ko dahil nahihilo ako sa mga pinagsasasabi ng lalaking kaharap ko. Pero buti naman at maid naman pala ang nagpalit sa akin ng damit.

Pero kahit na!

Umalis ako sa kama at tumayo saka hinanap ang damit kong pwedeng pang-alis dahil naka-night dress na may long sleeve ako na hindi ko naman porma sa pagtulog. Masyadong mala-prinsesa ang dating at hindi ko tipo ang mga ganitong damit. At saka kailangan kong umalis!

Nang makahanap ay kinuha ko ito saka padabog na lumapit sa gwapo-este sa lalaking kahapon pa ako naiinis.

"Aalis na din ako ngayon. Hindi kita kilala para manatili pa ako dito. Salamat na lang sa pagpapatulog sa bahay mo." Sabi ko at aalis na sana ng mapahinto ako sa tapat ng mga maid na nakayuko lang.

"Saan ang CR dito?" Tanong ko

"Young lady----"

"You are not going anywhere because this is your own property. You are Kailee Amia Park. The long lost heiress of Park Empire."

Doon ako napatigil at agad na napaharap sa kanya.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"Look Mr, as much as I want to get out of my hardships in life ay hindi pa rin ako maniniwala sa iyo. Bueno ang apilyido ko at hindi Park. Baka naman namamali ka lang ng napulot na babae. Mukha lang akong koreana pero wala akong-----"

"It is much better if you change to a proper clothes first then we'll meet Mr. Park for you to talk. All the proofs are there to confirm that you are his daughter. I will let the maids to escort you to his office." Yumuko ito ng bahagya at saka dire-diretsyong umalis.

Naiwan akong nakatulala habang hawak ang damit. Bagsak ang balikat na naupo ulit ako sa kama at agad akong nilapitan ng mga maid na nasa loob pa rin ng silid.

"Young lady, okay lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ng isa sa akin.

"Young lady, may masakit po ba sa inyo?"

The Princess And The Butler [Completed]Where stories live. Discover now