Seven

29.3K 601 11
                                    

The Father

Kailee's POV

Sinenyasan ako ni sungit na sumunod sa kanya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sinenyasan ako ni sungit na sumunod sa kanya. Pumasok kami sa nakabukas na double doors at pansin agad ang dalawang set ng staircase na katulad ng nasa resthouse--ayon nga kay sungit, na una kong nakita dati. Parehas na maganda ang loob ng mansyon at talagang sumisigaw ng karangyaan ang bawat parte nito.

Sa sobrang paghanga ko sa paligid ay nabunggo pa ako sa likod ni sungit ng tumigil sya, doon ko nakita ang nasa trenta pataas na mga tauhan, iba-iba sila ng damit, sa kanang parte ay mga taong nakaputi o naka-chefs uniform, sa kaliwang bahagi ay mga taong nakasuot ng suit and tie na parang men in black at may mga earpiece sa kanilang tenga na parang mga agent. Kapareha ng suot nila ang mga pumunta sa bahay at ang dalawa naming kasama sa kotse kanina. Sa gitnang bahagi ay mga babaeng tingin ko ay hindi bababa ang edad sa 25 at hindi lalagpas sa 50. At may nasa lima sa kanila ang nakasuot ng kulay green na komportableng t-shirt at bota, tingin ko ay sila ay mga hardinero.

Akmang magsasalita na si sungit ng hawakan ko sya sa braso para pigilan sa pagsasalita. Napatingin sya sa akin ng nagtatanong na mukha.

"Hindi ba pwedeng makausap ko muna ang ama ko bago ka magspeech sa harapan nila?"

"I'm just following orders that once you knew the result, you will be introduced to the household as one of their boss." Maaungit na sagot nito sa akin saka bumalik ang atensyon sa harap para magumpisang magsalita ulit.

Napabuntong hininga na lang ulit ako. Mukhang sure na sure nga ang tatay ko noon pa man na anak nya nga ako.

"Everyone, meet the sole heiress and only daughter of Mr. Park, Ms. Kailee Amia Park. I want all of you to obey her just like her father. Give her the assistance she needs all the time and treat her as your boss. Am I clear?"

Ma-autoridad na pahayag ni sungit na kahit ako ay iisipin kong nasa isang military academy ako sa tindi ng autoridad na maririnig sa boses nya kahit hindi sya nasigaw.

"Yes sir!" Napapitlag pa ako ng sumagot ng sabay-sabay ang mga tauhan nila.

"Good, you can now go back to your respective areas." saad ni sungit at automatic na nagsialisan naman ang mga tauhan kaya naiwan kaming dalawa kasama ang tatlong men in black sa likod namin na bitbit ang gamit ko.

"Kailangan ko ba talagang tumira dito? Pwede naman akong---"

"You are the daughter of a business tycoon Ms. Park, that answers all your questions." sagot nya agad sa akin na ikinapoker face ko sa inis.

Hindi na naman ako pinatapos sa pagsasalita nitong masungit na butler na'to!

Akmang magsasalita na sana ulit ako ng may marinig kaming humintong kotse sa di kalayuan maging ang pagbukas sara ng pinto ng sasakyan.

Doon ko nakita ang mabibilis na lakad ni Mr. Magnus Park, ang ama ko at bigla akong niyakap na hindi ko inasahan. Nakita kong sinenyasan ni sungit ang mga kasama naming MIB na iwanan kami kaya kami na lang tatlo ang natitira.

The Princess And The Butler [Completed]Where stories live. Discover now