Eight

26.1K 571 14
                                    

The Princess

Kailee's POV

Himala at masarap ang tulog ko, siguro dahil sa pagod at sa pagod ng utak ko sa pag-iisip at pag-absorb ng mga nangyayari sa akin ngayon.

Kaya hindi ako magigising kung hindi lang dahil sa liwanag na naaninag ko. Sa dami ng unan at sa lambot ng kama na hinihigaan ko ay nagpagulong-gulong pa ako kahit hindi ko naman iyon ugali noong nasa apartment ako.

Syempre, kapag gumulong ako doon ay tiyak na sa sahig ang bagsak ko.

Tapos ay nakarinig ako ng tumikhim kaya inalis ko ang comforter na kulay puti na nakatabon sa akin at bumungad sa akin ang kulay creme na kisame.

"Good morning young lady. Oras na po para kayo ay gumising at makapagumagahan. Hinihintay na po kayo ni Mr. King" Malumanay na sabi ng isang babae na nakamaid's uniform, may dalawa syang babae sa kanyang magkabilang tabi na mas bata kumpara sa nasa gitna.

Naupo ako agad at tinignan ang paligid na pupungas pungas.

"Sino po si Mr. King?" Tanong ko sa kanila dahilan para magkatinginan sila.

"Si Mr King po ang head of the house, ang lalaki po na kasama nyo nang pumunta kayo dito."

Mukha naman nakita nilang naguguluhan pa rin ako at hindi alam kung sinong tinutukoy nila.

Nakita kong nahihiyang nagtaas ng kamay ang nasa kaliwa ng babaeng nasa gitna na tingin ko ay kaedaran ko lang. Tinignan ko sya at tumango.

"Ung pong tinawag nyong sungit kahapon, sya po si Sir King."

Napasnap ako ng daliri at nakakaunawang tumango-tango saka napakamot sa batok.

"Sorry. Hindi ko kasi alam pangalan ng masungit na iyon." Sabi ko saka ako tumayo na sa kama at inayos ang higaan pero nagulat ako ng makita ko silang nagmamadaling tumakbo sa kinaroroonan ko at pinigilan ako.

"Naku! Kami na po young lady. Hindi po kayo dapat gumagawa---" hindi ko na pinatapos ang isa ding kasama nilang babae dahil nagsalita na ako ng may malaking ngiti.

"Ano ba kayo. Maliit na bagay lang eh." Sabi ko pero yumuko sila.

"Mahigpit na ipinagbabawal na hayaan kayong gumawa ng mga gawaing bahay dahil amo namin kayo. Nararapat lang din po na pagsilbihan namin kayo young lady bilang aming trabaho." Sagot ng nasa gitna.

Nagpameywang ako at nagkunwaring galit.

"Sinong nagutos sa inyo nun!!?" Tanong ko kaya napaangat sila ng tingin at mukhang natakot sa pagsigaw ko.

Pero agad din akong ngumiti saka nagpeace sign.

"Joke lang. Sa totoo lang kasi, lumaki akong mahirap, sanay ako na pinagsisilbihan ang sarili ko at kumayod para sa sarili ko. Kaya hindi nyo na kailangan pang pagsilbihan ako tulad ng iniutos sa inyo."

Paliwanag ko matapos maupo saglit at nasa harapan ko silang tatlo.

"Pero young lady---"

"Maaaring humingi ako ng tulong nyo kapag may hindi ako alam o hindi ko kaya, at doon ko na lamang kukunin ang tulong na ibibigay nyo. Saka huwag na nga kayong mag-po. Nagmumukha akong matanda."

Sabi ko saka tumayo ulit at inayos ang higaan.

"Young lady!" Sabay-sabay na sabi nila.

Agad naman silang tumalima at napailing na lang ako ng tulungan nila akong magligpit ng hinigaan.

"Anong pangalan nyo?" Tanong ko na lang habang nagtitiklop ng kumot.

"Ako po si Ella young lady! At sya naman po si Pamela. Si Ms. Teressa naman po ang aming leader." Magiliw na pagpapakilala ng babaeng nagtaas kanina ng kamay na si Ella.

The Princess And The Butler [Completed]Where stories live. Discover now