Fifteen

24.9K 554 29
                                    

The Bestfriend

Kailee's POV

"Ganun pala ang nangyari kaya hindi na kita nakikita sa apartment. Pumunta ako don last last week kaso wala ka nga daw." Sabi ni Aidan habang tumatango-tango sa kwento ko.

Kinwento ko sa kanya lahat ng nangyari sa akin simula noong umalis ako sa inuupahan ko, ipinaliwanag ko sa kanya kung bakit dito na ako nag-aaral at kung anu-ano pa.

"Eh ikaw? Akala ko ba mahirap lang kayo? Bakit ka nandito? May hindi ka ba sinasabi sa akin?" Tanong ko sabay kupit sa chichiryang kinakain nya.

Tinapik naman nya kamay ko kaya napa-aray ako't sinimangutan sya.

"Ay, joke lang. Sayo na pala to." Sabi nya sa akin sabay kamot sa pisngi nya.

Sumingkit naman ang mga mata ko ng tinignan ko sya. Alam ko na to, may sasabihin to sa akin o kaya aaminin.

"Aidan...." warning tone ko sa kanya.

"Kasi ganito un, diba parehas tayo noon na nanay lang natin ang mga kasama natin? Kinuha kami ng tatay ko noong nag-ten ako. Ayun, katulad din nung sayo, isa rin syang businessman pero syempre mas mayaman kayo no." Sabi nya sa akin.

"Eh bakit hindi mo sinabi sa kin yan noong lumipat kayo? Daya!" Sabi ko pero naiintindihan ko na naman sya.

"Eh kasi inaalala din naman kita. Alam ko kung gaano mo kagustong magkaroon ng tatay, kaya pinili ko na lang na isipin mo pa ring magkaparehas tayo para hindi ka nag-iisa." Parang nahihiya pa nyang sabi kaya kinurot ko na lang sya sa ilong nya.

"Aray! Aray! Ang shakit ngalisin mo nga to." Ngongo nyang pag-angal na ikinatawa ko.

"Oo na. Okay na. Ikaw talaga, pero sa susunod sabihin mo na sa akin kung anong totoo ah? Huwag ka ng maglilihim sa akin dahil mas magandang masaktan ako sa katotohanan kesa naman matuwa ako sa kasinungalingan." Sabi ko na ikinatawa nya.

"Uyy...humuhugot! Nga pala, kamusta naman ang adjustment mo sa mga Park?" Tanong nya sa akin habang hinihimas ang ilong nya.

"Ayun, ayos naman. Noong una naninibago talaga ako, kahit ngayon naman pero unti-unti na rin akong nasasanay." Sabi ko.

"Mabuti naman kung ganoon. Hayaan mo, tutal alam ko kung saan ang mansyon nyo, bibisitahin kita doon tuwing weekends gaya ng ginagawa natin dati." Sabi nya na ikinatuwa ko.

"Ayos yan! Ipapakilala din kita kay tatay at sa mga kaibigan ko doon." Sabi ko at natatawang ginulo nya lang ang buhok ko.

Nakakatuwa talaga at kasama ko na si Aidan ngayon. Nang mapatingin ako sa palogid ay pansin kong masasama ang tingin sa akin ng mga kababaihan.

Bakit kaya? Kunut-noo akong tumingin kay Aidan na kasalukuyang inuubos na pala ang pagkain ko.

"Hoy! Tiran mo'ko!"

"Eh hindi ka kasi nakain eh. Tingin ka ng tingin kung saan." Pagdepensa nya pa na ikinairap ko na lang.

"Oo nga pala, hindi talaga ako namamali ng tingin eh, bakit ba ang sasama ng tingin sa akin ng mga babae dito? Wala naman akong ginagawa ah?" Tanong ko.

"Gusto mo malaman?" Tanong nya at nacurious naman ako kaya tumango ako.

"Ganito kasi yan, halika bubulong ko sayo."

Inilapit ko naman ang tenga ko at inilapit naman nya ang mga labi nya sa akin.

"Ang gwapo ko kasi."

Agad akong napalayo sa kanya at binatukan sya.

"Aray! Masakit un ah!" Angal nya

"Huwag ka kasing magbiro! Seryoso nga kasi!"

The Princess And The Butler [Completed]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu