Thirteen

28.9K 626 20
                                    

(Kailee's pambahay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Kailee's pambahay. Sosyal ng lola nyo. hehehe. I don't own the pic)

Mall Disaster

Kailee's POV

"Young lady, oras na po ng umagahan. Gising na po." rinig kong boses ni Pamela

Gumulong lang ako sa kama bilang sagot saka itinilakbong ang kumot sa mukha.

"Young lady. Gising na po kayo. Kailangan nyo pa pong mamili ng mga kakailanganin nyo sa pagpasok sa eskwelahan, meron pa po kayong etiquette class mamayang hapon at hinihintay na po kayo ng inyong ama para sa agahan." si Ella naman.

Wala akong nagawa kundi alisin ang nakatalukbong na kumot sa akin. Paano ba naman kasing hindi ako malelate ng gising. Nang dahil sa katakawan ko ay late na ako nakatulog, idagdag pa ang malakas na pagtibok ng puso ko kagabi.

Wala sa sariling inilagay ko ang kamay sa tapat ng puso ko, nakahinga ako ng maluwag ng mapakiramdaman na kalmado na ito.

Agad akong bumangon at naligo, basta ko na lang isinuot ang damit na ibinigay nina Ella at mabilisang nagsuklay  habang isinusuot ang tsinelas sabay takbo pababa ng hagdan.

"Thank you!" sabi ko sa dalawa dahil nauna na nga ako sa kanila pababa.

Ayoko namang paghintayin si tatay dahil siguradong may pasok pa ito.

Napapreno ako sa pagtakbo ng makarating ako sa dining hall. As usual, nakaupo na agad si tatay sa kabisera kaya naupo na rin ako. Nang mapatingin ako kay sungit na abala sa binabasang mga papeles ay nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko na naman.

Kanina lang kalmado ka na heart ah?

Hindi, baka kasi dahil tumakbo ako ng mabilis. Oo, yun nga.

Humalik ako sa pisngi ni tatay bago naupo sa tapat ni sungit.

"Good morning po tatay." sabi ko

"Good morning din hija, mukhang napuyat ka ah? May ginawa ka ba kagabi?" tanong nito sa akin at hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nasamid ako sa iniinom kong tubig.

"Okay ka lang ba hija?" nagaalalang tanong ni tatay at ng makabawi ay tumango ako.

Bakit ba ako masyadong affected? Kumain at nagkwentuhan lang naman kami ni sungit diba? Wala namang masama dun diba?

Pero kasi! Ang daldal ko kagabi tapos ngayon hindi ko alam ang iaakto ko. Tss. Akala ko pa naman wala na yung awkward feeling na nararamadaman ko.

Ipinapahiya mo lang ang sarili mo Kailee. Umayos ka!

Nagsimula na kaming kumain at itinabi na rin ni sungit ang mga binabasa nya. Tahimik lang naman ako, well, kami pala habang nakain hanggang sa nagsalita si tatay.

"Oo nga pala, wala ka pang gamit sa pagpasok Amia, anak. Gusto mo bang utusan ko si Alex na ibili ka ng mga gamit mo sa school?" tanong nya sa akin na agad kong ikinatanggi na may kasama pang pagwagayway ng mga kamay.

The Princess And The Butler [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon