Twenty Six

24.1K 533 18
                                    

Value

Kailee's POV

"SERYOSO???"

Tumango naman sa akin si sungit habang nakapoker face pa rin.
There's no sign of joke in his face.

"It's true, ang current net worth mo ay forty billion dollars. So you Ms. Park, is one valuable lady."

Sabi nya sa akin na hindi ko talaga mapaniwalaan.

"Paano nangyari yun?" Naguguluhan kong tanong.

"Well, some of your father's properties are named after you. No, scratch that. Almost half of his properties are named after you."sabi nito na ikinalaki talaga ng mga mata ko.

Napasapo na lang ako sa buhok ko at yumuko sa lamesa.

Napaayos naman agad ako ng upo ng tapikin nya ang mesa.

We're here in the library dahil weekend at tapos ko na rin naman ang mga assignments ko.

Si tatay dapat ang kasama ko ngayon at sya dapat ang magtuturo sa akin ng mga dapat kong malaman. Kaso bigla namang nagkaroon ng meeting out of the country at mawawala sya for a week kaya inihabilin na lang nya ako kay Sungit.

"That's why you should be fully aware that many people are after you. Your father owns a lot of properties here and outside the country, you have a conglomerate business, an empire, and soon, you will be the one whose going to handle those."

Halos panlambutan ako sa narinig ko. Hindi ako ganoon ka-aware sa pagmamay-ari ng tatay ko.

Kaya pala delikado talaga ang buhay namin, pero hindi ko din mapigilang hangaan si tatay dahil nagawa nyang palaguin ang negosyo nya ng mag-isa.

I'm sure proud na proud din si nanay para sa kanya.

"Why are you smiling?" Tanong ni sungit kaya napatingin ako sa kanya.

"Ah. Wala naman, naisip ko lang na ang galing ni tatay para mapalago nya ang negosyo nya. Sigurado akong proud sa kanya si nanay kung nabubuhay lang sya." Nakangiting paliwanag ko but I saw how he became serious ng mabanggit ko ang salitang nanay.

"Ikaw ba sungit? Hindi ba proud sayo ang parents mo? I'm sure matutuwa din sila sa mga achievements mo." Sabi ko pero mukhang wrong move ang tanong ko.

Tumikhim sya't umalis sa harapan ko't pumunta sa may laptop nya.

"Let's just start." Sabi nya habang nakakunot ang noo.

Napabuntong hininga na lang ako sa ugali nya. Napakahirap nya talagang basahin at wasakin ang pader na nakaharang sa kanya.

"Park Empire is a conglomerate business. It excels in different fields such us entertainment, industry, banking and finance, food and beverage production, and cosmetics." Paliwanag ni sungit kaya wala na akong nagawa kundi ang magfocus sa pakikinig.

I took down notes ng mga sinabi nya.

"When it comes to entertainment. Park Empire owns one of the famous training camp and management production here in the Philippines. But that was before since entertainment isn't one of the top priority." Paliwanag ni sungit ulit.

"Edi wala ng hawak na entertainment company ang Park Empire?" Tanong ko.

"Well, yes, although he's still one of the stock holders in that business. But I put it in here since malaki ang naitulong nito sa kompanya. We are not only going to discuss your father's businesses in the present but also those on the past."

"Anyway, your father sold his shares to the Smith Family na pangalawa naman sa pinakamayamang pamilya dito sa bansa and top ten in Asia, but let's not focus on that." Sabi nya at tumango-tango lang naman ako.

The Princess And The Butler [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora