Twenty Four

26.6K 582 75
                                    

Not a Date

Kailee's POV

"You're supposed to eat a decent meal." Napanguso na lang ako sa inaasta ni sungit. Ano bang masama sa tinapay at juice? Ang dami ko kasing nakain kanina kaya hindi pa ako nakakaramdam ng sobrang gutom.

Tumingin ako kay Aidan at natatawa lang naman nyang iniusod ang tray ng pagkain nya sa akin.

"May point sya Kai, just have mine."

Agad na nanliwanag ang mga mata ko.

"Libre mo??"

"Hindi ah! Pengeng pera, bibili ako ng akin!" Sabay lahad nya ng palad na ikinairap ko.

Inusod ko na lang sa kanya pabalik yung tray at tumayo na. Nakita ko namang tumayo din si sungit na agad kong pinigilan.

"Huwag ka ng sumunod dahil hindi naman ako lalayo. Parang bibili lang eh." Angal ko at mabuti naman at naupo sya ulit.

Lunch break namin ni Aidan for two hours at nandito kami sa cafeteria ng PLU. Mabilis ding kumalat sa radar ng mga kababaihan ang balitang may gwapong umaaligid sa school na walang iba kundi si Alexander the Masungit na Butler.

Hindi naman nya pinapansin at as usual ay nakapoker face lang sya buong maghapon.

Napagusapan na din namin na magpapanggap syang boyfriend ko dito sa school para daw hindi sya gambalain ng mga kababaihan.

Tunog mahangin, pero hindi ko na lang pinansin, hinayaan ko na lang. Tutal naman ay parang wala rin naman dahil hindi naman sya nagiging sweet kahit pa may nakatingin na mga estudyante sa amin.

Besides, kasama namin si Aidan palagi kaya hindi na din ako naiilang sa isiping 'boyfriend' ko kuno sya.

Iyon ang masaklap, isang isipin lang ang maging boyfriend sya.

Hindi magiging realidad.

"Ano sayo Ms.?" Tanong ng server na nasa harap ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Ah! Uhm..ito pong roasted beef at two cups of rice." Sagot ko matapos makapili.

Ngumiti naman ito sa akin at inilagay ang mga pagkain na sinabi ko sa tray ko.

Nagbayad ako saka nagpasalamat at naglakad na pabalik sa kinauupuan namin nina Aidan ng may humarang na paa sa dinaraanan ko, hindi ko agad napansin kaya ang inaasahan ko ng lalagapak ang mukha ko sa sahig pero hindi nangyari.

Someone grab me by my arms at inayos ang balanse ko, good thing na hindi din natapon ang dala kong pagkain.

Pagtingin ko sa taong may hawak sa akin, walang iba kundi si sungit na masama ang tingin sa mga babaeng nasa malapit na table na kinalulugaran namin.

It's the table of the queen bee herself, Victoria Chen, pero wa-epek kay ate gurl ang masamang tingin ni sungit at nagpacute pa.

Si Victoria Chen ay matunog sa school ang pangalan because of too many reasons you wouldn't want to know. Pero ang pinakadescription sa kanya?

A bully.

"Do you need anything handsome?" Flirty na tanong nito.

"Try to play dirty tricks on her again and you'll see yourself outside of this school." May pagbabantang sabi ni sungit at kahit ako nangilabot.

Pansin ko naman na natigil ang tawanan ng mga kasama nya sa lamesa pero si Victoria ay parang wala lang. Tumayo pa ito at nameywang sa harapan namin. Lahat ng tao sa cafeteria ay nasa amin na ang atensyon.

The Princess And The Butler [Completed]Where stories live. Discover now