Twelve

27.3K 627 17
                                    

Midnight Talk

Kailee's POV

"Well, I must say that I am impressed with your grades hija. You just have to take an exam and then you're ready to go on your third year." Sabi ni Mr. De Guzman na syang President ng university.

Hindi pumayag si sungit times two, na ang Dean ng college ang kumausap sa amin at sinigurado nya talagang sa President kami ng school makikipagusap. Actually sya lang pala dahil hindi ako kumibo ni isang salita.

Sungit did the talking at nanatili lang akong tahimik, sumasagot ako kapag tinatanong ako tulad ng edad ko, iyon lang.

"That's good. When will she be able to start schooling?"

"Ms. Park can start by next week since everything has already been handled smoothly."

Psh. Oo, smoothly nga.

Tumayo na kami ni sungit sa kinauupuan kaya ganon na lang din ang ginawa ko, nakipagkamay sya sa President ng eskwelahan at maging sa akin.

"It's an honor having the daughter of Mr. Magnus Park to be one of our students here in PL University."

Ngumiti na lang ako bilang sagot at hindi na nagsalita pa.

"Ah, I almost forgot, I want Ms. Park's identity to be a top secret not until the  20th anniversary of Park Empire. I hope you can do that." Dagdag ni sungit kahit mukhang hindi naman nya nakalimutan ang mga sasabihin nya.

"Well, if that's what you want then we will gladly obligue." Nakangiting sagot ni Mr. De Guzman at tumango na lang si sungit saka kami nito inihatid papalabas ng office nito.

Nagusap pa sila ng kaunti at nauna na akong umalis at walang imik na sumakay sa kotse. Maya-maya ay bumukas ulit ang pinto at pumasok si sungit.

"Do you want to have a stroll?" Nagulat ako sa pagtatanong nya pero umiling lang ako bilang sagot.

"Gusto ko ng umuwi." Iyon na lang ang tangi kong naisagot.

Wala ako sa mood at mas maganda siguro na makapagisip-isip ako.

Sa isang linggo na pagdating ko kasi sa mansyon ay ang dami na agad na nangyari at ang bilis ng transition sa buhay ko.

Hindi ko inakala na mamimiss ko pala ang pagtitinda ng mga damit sa tindahan ni Aling Rose, yung pagtitinda ng fishball at yung parol business na dapat ay sisimulan ko pero ni hindi naman ako nakabenta ni-isa.

Siguro hindi ko kaya yung basta na lang mag go with the flow. Siguro nga marami pa akong kailangan matutunan.

Nang maramdaman kong huminto ang sasakyan ay napatingin ako sa paligid. Nasa tapat na kami ng mansyon at hindi ko na hinintay pang pagbuksan ako ng isa sa mga guards dahil ako na ang nagbukas ng pintuan ng kotse't dire-diretsyong pumasok sa mansyon.

"Kailee wait!" Napatigil ako sa paglalakad ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko.

Pagharap ko ay si sungit pala. Nakakapanibago na hindi nya ako tinawag ng young lady o di kaya ay woman.

"May sasabihin ka pa ba?" Tanong ko sa kanya, nakita ko syang nagaalangan na magsalita, bubuka't sasara ang kanyang bibig na parang isda pero sa huli ay pinili nya na lang na huwag magsalita.

"N-nothing." Sabi nito, nagkibit balikat ako saka naglakad muli papaakyat sa hagdan papunta sa kwarto ko.

Nakita ko doon sina Ella at Pamela na abala sa pag-aayos ng mga damit na maayos na nakasampay sa rack. Mukhang tuwang-tuwa sila sa ginagawa nila kaya hindi nila ako agad na napansin.

The Princess And The Butler [Completed]Where stories live. Discover now