Special Chapter Two

22.9K 428 7
                                    

Kailee's POV

A year of being married, I can say that it was fun and full of lesson.

Hindi naman kasi pwedeng palaging masaya, but Steven and I make sure to talk after every fight we had dahil hindi din naman kami makatulog parehas kapag alam naming may tampo kami sa isa't-isa. Mas nakilala ko sya at ganoon din sya sa akin. We decided not to move out of our mansyon since ayokong iwan si tatay and Steven understands me kaya pumayag sya.

Ako na nga lang ang anak ni tatay, tapos iiwan ko pa sya? So far so good, I am now the CEO of Park Empire at katuwang ko si Steven sa pagpapatakbo ng negosyo, madalas ay tumutulong din ako sa kanya sa mga negosyo nya but we make sure that we still have time for each other and to our family and friends.

Pero nakakunot na ang noo ko ngayon dahil hindi na naman nya sinasagot ang tawag ko.

I dialed his number again pero hindi nya pa rin sinasagot. I am here in my office na dating opisina ni tatay. Steven's been in a business conferrence for a week at miss na miss ko na ang masungit na yun at ngayon dapat ang uwi nya pero hindi naman nasagot.

I want to know where he is now at kung nasa Manila na ba sya o ano but he's not answering his phone.

Walang kiss sa akin yun mamaya. Psh. First year anniversary pa naman namin bukas of being happily married.

Pero sa pag-aalala ay tinawagan ko na si Zed, his one and only secretary dahil si Arianna ay nagresign na gawa ni Aidan. Kaya nadagdagan ang trabaho ni Zed.

Ang pangarap kasi talaga ni Arianna is to put up a bake shop, Aidan helped her with it at sinabihan ang fianceé na doon na lang magfocus at ang bestfriend kong malakas din ang saltik ang bahala na daw magprovide sa kanila.

"Hello Mrs. King? How may I help you?" Sagot agad nito.

"Zed, I just wanted to ask if Steven already called you? Hindi ba't ngayon ang uwi nya from the conferrence?" Tanong ko at nagpabalik-balik na sa paglalakad.

"Oh, well he did ma'am. He told me to give you something and I was just about to go to your office." Sabi nito.

"Okay, I'll wait for it. Thank you." Sabi ko saka inend ang tawag.

Maya-maya ay dumating nga si Zed dala-dala ang isang hindi kalakihan na envelope saka mabilis din itong nagpaalam.

Kunot-noong binuksan ko ang envelope na puti and saw a message.

I hope you still have the key that I gave you before, love. If you do, go to this place.

-Steven

I tried to call my husband once more pero hindi nya talaga sinasagot. Since si Zed naman ang nagbigay at may tiwala naman ako sa sekretarya nya ay bahala na.

I grabbed my car keys kung saan nandoon din yung keychain na maliit na bahay na bigay nya dati. Noon ko lang din narealized that it was a mini version of the miniature house that he gave me before.

Ang address na binigay nya ay sa isang subdivision matatagpuan, it's where dad lives kaya siguro dito nya ako pinaderetsyo.

Hindi na kasi bumalik sa Amerika si daddy-Steven's father- at napagpasyahan na dito na lang magstay. Maybe dito na muna naisipang tumigil ng asawa ko bago umuwi.

Ang asawa ko talaga, kung anu-anong trip sa buhay. Char lang.

Pagka-park ko ng sasakyan sa tapat ng mansyon nila ay ako na ng bumaba at nagdoor bell.

It opened at tama nga ang hinala ko, Steven is here and he immediately pulled me into a hug na sinuklian ko din naman. He kissed me na kahit palagi naman nyang ginagawa ay hindi pa rin ako nagsasawa at never akong magsasawa.

The Princess And The Butler [Completed]Where stories live. Discover now