Forty Two

21.5K 405 7
                                    

Stay

Kailee's POV

(Bago makauwi si Magnus sa Pilipinas.)

Pinagsaklop ko na ang dalawa kong kamay na parang nagdadasal habang hinihintay si tatay na dumating.

South Korea is an amazing place. Kahit wala akong naiintindihan sa mga pinagsasasabi nila ay natutuwa pa rin ako sa mga magagandang lugar na pinuntahan namin. Saglit kong nakalimutan yung mga pagiyak-iyak na ginawa ko sa Pilipinas dahil sa panibahong lugar na nakikita ko.

Aidan wasn't able to come dahil abala din sya sa kompanya nila, at hindi naman araw-araw ay namamasyal kami dahil kailangan din naming magpahinga. My father even introduced me to our company branch employees dito sa Korea. Thank goodness at maalam silang mag-english kaya hindi dumugo ang ilong ko.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at doon pumasok si tatay, kasunod nya si Roby na syang sumama sa amin dahil kailangan sya ni tatay. Doon ko lang din nalaman na dalawa ang secretary nya.  Si Roby ang pinagkakatiwalaan nya kapag may family matters na involved kaya sya ang kasama namin.

"Tay..." tawag ko dito sa mahinang boses at natawa sya sa mukha ko.

"Did you do something again Amia?" Tanong nya sa akin pero umiling ako ng mabilis.

Nang minsan kasi ay nasa korean restaurant kami, dahil hindi ako maalam magchopsticks, sa inis ko ay tinusok ko yung pagkaing kukunin ko dapat. Tapos pinatry sa akin ni tatay yung soju nila para daw matikman ko at ininom kong nakaharap sa kanya ay nakatanggap ako ng tingin sa mga tao na nasa restaurant din, lalo na sa matatanda.

Doon pinaliwanag sa kin ni tatay yung mga gawain na isang malaking no-no sa korea, kaya hiyang-hiya ako nun dahil wala akong kaalam-alam pero si tatay ay ngingiti-ngiti pa dahil natatawa sya sa mga pinaggagagawa kong kalokohan.

"Then do you have something to say?" Tanong nya kahit alam kong alam na nya ang gusto kong sabihin.

Maybe parents instinct. Ganito din kasi si nanay, kapag alam nyang may gusto akong sabihin ay nagtatanong pa rin sya at ako mismo ang hinahayaan nyang magsabi.

"I want to stay." Sabi ko at napayuko.

Naramdaman kong naupo sya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

"Then bakit mukhang malungkot ka kung gusto mo dito?" Tanong nya.

"Kasi mano-nosebleed ako sa lenggwahe nila dito kapag nagstay ako dito na gustung-gusto ko." Sabi ko sabay angat ng tingin kay tatay na natawa sa sinabi ko.

Pati si Roby ay natawa na din sa akin.

Napanguso ako kasi pinagtawanan lang nila ako.

"Akala ko naman kung ano na! Akala ko naman may mamimiss ka." Natatawang sabi ni tatay na ikinatigil ko.

Totoo naman kasi, namimiss ko na yung mahilig manulak palayo na masungit na lalaki times one thousand na hindi maalam makinig!

Pero wala, mahal ko pa rin. Hindi naman iyon madaling kalimutan, pero kaya ko din gustong manatili dito sa bagong lugar sa paningin ko ay para subukan na syang kalimutan. Dahil kung malapit sya at palagi ko syang nakikita, I will never make it.

I won't be able to move on.

Kaya kahit hindi ako maalam magkorean, basta makalayo lang pansamantala ay mas gugustuhin ko na munang manatili dito.

Naramdaman kong niyakap ako ni tatay at hinaplos-haplos ang ulo ko.

"Aigoo, maalam ng mag-aegyeo ang anak ko." Sabi ni tatay na ikinakunot ng noo ko.

The Princess And The Butler [Completed]Where stories live. Discover now