Twenty Three

24.3K 534 18
                                    

Day One

Kailee's POV

"Tay, okay lang po ba kung bumili ako ng cellphone mamaya? Dadaan po ako sa mall." Paalam ko habang nakain ng agahan namin. Winasak kasi noong si matabang lalaki yung cellphone ko ng makidnap ako.

Sya na nga ang nakigamit, sinira pa. Tsk.tsk.tsk. Sayang talaga yung bigay ni sungit—na in-assume ko lang na bigay nya kahit hindi—, kung hindi ko lang narealize na kailangan ko pala talaga ng cellphone para sa pakikipagkomunikasyon ay hindi na din naman ako bibili na.

Pero dahil nga sa nangyari ay pinayuhan na din ako ni Aidan na bumili na lang ulit.

"Oo naman, bilin mo kung anong gusto mo, hindi mo na kailangan magpaalam dahil kaya ko ibinigay sa iyo ang card mo ay para sa mga gusto mong bilhin." Paliwanag nito sa akin kaya napakamot ako sa sintido ko.

"Eh? Di ako sanay tay eh, dati kasi, palagi akong nagpapaalam kay nanay." Sabi ko

"Ganoon ba?" May lungkot na tanong nito, siguro naalala nya si nanay.

Tinignan ko si tatay, halata na ang katandaan sa kanya pero matikas pa rin ang pangangatawan, halatang pinagkakaguluhan din sya ng mga kababaihan noong kabataan nya. Syempre ganoon din si nanay, noong bata pa ako ay ilang beses syang inalok ng barangay na maging muse o kaya ay isali sa maliitang pageant dahil sa ganda nya.

Sayang, nakita ako ni tatay kung kailan wala na si nanay, pero alam kong mahal na mahal sya ni tatay. They were so inlove with each other at kitang-kita ko iyon sa mga pictures sa opisina ni tatay.

Pictures that were taken before the incident happened 14 years ago. Sa nakikita ko naman kasi ay mukhang masaya ang kabataan ko, puno ng pagmamahal ang pamilya ko.

Sayang din at hindi ko maalala ni isa sa mga memoryang iyon. Ang naaalala ko lang kasi ay iyong nasa apartment na kami ni nanay nila Aling Jenna.

"Gwapo ni tatay no anak?" Birong sabi ni tatay kaya napabalik ako mula sa pagiisip.

"Syempre naman tay." Pagsakay ko sa biro nya.

"May problema ba? Ba't parang malalim ang iniisip mo kanina?" Tanong nya.

"Hindi tay, curious lang ako kung magkano ang laman nung debit card na binigay nyo."

That was supposed to be a joke pero nabilaukan ako ng malaman ko ang sagot.

"Ahh...one million tapos every month ay pinadadagdagan ko ng hundred thousand."

Pinalo-palo ko ang dibdib ko para mawala ang pagkabigla. Umuubong hindi makapaniwalang tinignan ko ang tatay ko.

"Tay naman, ganoon ka-*cough* laki?!!"

Gulat kong tanong pero ang tatay ko imbes na mapuna ang pagkabilaok ko ay natawa pa sa akin saka tinapik-tapik ang likod ko.

"Amia, anak, nagtatrabaho si tatay ng mabuti kaya kung tutuusin ay maliit na halaga lang iyon. Besides, kanino ko pa ba ibibigay ang mga pinaghirapan ko kundi sayo din naman."

"Eh ang laki naman kasi non tay, sobra-sobra eh" reklamo ko pero natawa lang din sya ulit.

"Dapat nga 2 million ang minimum amount na laman nyan eh, kaso alam kong magrereklamo ka kaya binawasan ko na. Huwag ka ng umangal pa dahil for emergency purposes din iyan, saka huwag kang mahihiyang magsabi sa akin kung may kailangan ka." Sabi nito sa akin at napailing na lang ako.

"Kung nabubuhay si nanay---"

"Pipingutin nya ako sa tenga dahil inii-spoil kita. Alam ko anak, alam ko." Natatawang sagot nito sa akin na ikinangiti ko.

The Princess And The Butler [Completed]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin