Four

29.9K 656 22
                                    

Bwisitor to the rescue

Kailee's POV

Maaga akong nagising para maghanda sa pagpuntang palengke. Naibalik sa dati ang inuupahan ko dahil na rin sa sungit na iyon.

Hindi ko na naitanong kay Aling Jena yung patungkol sa sample dahil may bagong DNA Test naman na ginawa at doon ko na lang titignan ang resulta.
Kumuha ako ng kaunti sa maliit kong ipon bilang puhunan panggawa ng mga parol na magiging bago kong negosyo.

Salamat sa kaibigan ko na tinulungan akong makapasok sa isang livelihood program na pag-gawa ng parol. Pero bago iyon ay papasok muna ako sa tindahan ni Aling Rosa bilang helper sa pagtitinda ng mga tsinelas at damit.

Araw ng tyangge ngayon kaya siguradong maraming tao.

Naligo ako at nagbihis ng simpleng t-shirt at pantalon saka ako nagtsinelas. Pinatuyo ko ang buhok gamit ang twalya at saka inipit ng mataas. Wala akong dala maliban sa baon kong pagkain para mamaya sa tanghalian ko.

Nagsimula na akong maglakad hanggang makarating sa pwesto ni Aling Rosa.

"Good morning Aling Rosa!" Masiglang bati ko dito.

"Good morning din! O sya, magsimula na tayong mag-ayos ng mga paninda habang maaga pa." Sabi nito at agad kong sinunod pagkalapag ko ng baon ko sa lamesa ni Aling Rosa.

Iniangat ko na yung maingay na si Rolly, pinangalan ko dun sa roll-up ng tindahan ni Aling Rosa. Baliw lang no?

Saka ko binuhat yung mga maninipis na bakal galing sa likod ng tindahan at inilapag sa sahig saka inalis ang pagkakatali ng mga ito para idikit sa pader at pagsabitan ng mga hanger ng damit mamaya.

Abala ako sa pagaayos ng mga bakal ng marinig ko si Aling Rosa na may kausap.

"Naku! Hindi pa po ayos, pero anong sayo pogi?" Sabi nya sa kausap nya.

Aba? May customer na agad? Eh halos wala nga kaming ginagawa kapag umaga.

Natigil lang ako sa ginagawa ko ng tawagin ako ni Aling Rosa.

"Bakit po?" Tanong ko pagkalapit ko sa kanila at doon ko lang napansin ang lalaking katapat namin.

Nakasuot ng v-neck t-shirt at may nakabukas na 3/4 polong nakapatong at maong na pantalon at rubber shoes.

Napakaaaalaaaaayoooo sa suit and tie na pansin kong palagi nitong suot.

Agad na kumunot ang noo ko.

"Anong ginagawa mo dito sungit?" Tanong ko ng nakapameywang.

"Ay hija, nobyo mo ba itong gwapong batang ito? Naku! Bagay na bagay kayo."

Nanlalaki ang matang napatingin ako kay Aling Rosa.

"Hindi po no! Yang sungit na yan?" Sabi ko at naiiling na lang si Aling Rosa.

"O sya, gusto ka daw nyang kausapin saglit kaya maiwan ko na muna kayo. Mukhang importante ang pag-uusapan nyo at mukhang may LQ pa kayo."

Nakangangang tinignan ko paalis si Aling Rosa. Kelan pa nya nalaman ang word na LQ?

Sabagay, techy nga pala sya at daig pa ako dahil mas maalam syang gumamit ng facebook at instagram.

Naiiling na hinarap ko si Sungit na nakapoker face na naman, as usual.

"Bakit ka nandito? Diba ang usapan ay pupunta ka---"

Hindi na namana ko pinatapos.

"The result will be sent to us two to three days from now. I was tasked to guard you for safety purposes until the given time."

The Princess And The Butler [Completed]Where stories live. Discover now