Thirty Four

20.2K 501 4
                                    

Favorite

Kailee's POV

Maaga akong gumising para magreview sa mga subjects ko na may exam.

Four a.m pa lang ata ay gising na ako kahit na natulog ako kagabi ng ten.

Pagkauwing-pagkauwi kasi namin kahapon ay nagreview na agad ako pero dahil apat ang exam ko ay kailangang career-in.

Mga alas-sais ay naligo na ako dahil seven ang unang exam ko at kung bakit naman kasi sinagad ko ang pagrereview, kailangan ko tuloy magmadali.

Pagkatapos kong mag-ayos, kinuha ko na ang backpack saka lumabas ng kwarto ko't agad bumaba at patakbong tumungo sa dining.

"Oh? Ba't mukhang nagmamadali ka?"tanong ni tatay habang nagpapalaman ako ng tinapay at hotdog saka inipit.

"Baka po malate ako sa exam ko mahirap na. Nakaready na po sina Johnny at Piolo diba?" Humalik ako sa pisngi nya at inilagay na sa bibig ang tinapay na ginawa.

"Oo, pero---"

"Bye tay! See you later!" Sabi ko saka patakbong lumabas ng mansyon.

"Okay! Goodluck anak!" Iyon na lang ang narinig kong sigaw ni tatay kaya napangiti ako't agad na sumakay sa backseat ng sasakyan.

"Young lady!" Gulat na bulalas nina Johnny at Piolo ng makita nila ako.

"Bili! Bili! Baka malate tayo, matagal ang byahe diba? May exam kasi ako ng maaga at baka ako malate, pasensya na." Sabi ko sa kanila at nakakaunawa naman silang tumango saka pinatakbo na ang sasakyan habang  nakita ko si Johnny na may kinakausap mula sa earpiece.

Habang nasa byahe ay patingin-tingin ako sa relo, sanay akong maagang gumising pero dahil may kalayuan ang mansyon sa PLU ay kailangan ng extra oras, at iyon ang wala ako ngayon.

Maya-maya ay nakadating kami sa PLU at hindi ko na sila hinintay na pagbuksan ako at nagpasalamat na lang ako't agad na lumabas ng sasakyan saka patakbo ulit na tinungo ng building namin.

Ten minutes before seven.

Ganoon na lang ang hingal ko at pasasalamat ng makitang wala pa si ma'am. Napasandal ako sa may frame ng pinto ng room namin kung saan abala ang mga kaklase ko sa pagrereview.

"Hoo! Akala ko late din ako." Napatingin ako sa lalaking nasa kabilang side ng frame na nakasandal din at hinahabol ang hininga.

Parehas kaming natawa ni Aidan saka pumasok na ng room at naupo.

"Late ka ba nagising?" Tanong ko.

"Hindi, natraffic ako. Grabe nakakapagod!" Angal nya at napansin kong wala syang pamunas ng pawis kaya inabot ko sa kanya yung towel na nasa bag ko.

Nakasanayan ko na kasing magdala ng towel na reserba at isang panyo.

"Oh, punas bilis, baka ka tuyuan ng pawis." Sabi ko at ginawa naman nya.

He handed me water in return na ininom ko naman.

"Kung di ko lang alam na magbestfriend kayo,iisipin kong magjowa kayo." Sabi ng boses sa harapan namin kaya parehas kaming nag-angat ng tingin at nagulat ng makita si ma'am na may hawak na test papers.

"Ma'am!" Bulalas namin parehas at natawa na lang si ma'am sa amin.

Mabuti at sya ang teacher naming hindi terror.

"Osya, keep your things and only ballpen is allowed on your table. Here." She handed us our test papers ng magawa naming itago ang mga gamit namin.

The Princess And The Butler [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon