Forty Three

21.5K 435 13
                                    

Memories

Kailee's POV

Para akong bumalik sa memory lane.

Kinagabihan matapos ng araw na puro tawanan at lecture patungkol sa korean words ay nagpasya na kami ni Roby to call it a day. Inuunti-unti lang naman namin dahil marami pa naman kaming oras, kaya words pa lang ang nalalaman ko.

Napagpasyahan kong buksan na ang mga kahon na ipinapadala sa akin ng makarating ako sa kwarto at hindi ko alam kung maiiyak ako o matutuwa sa nakita kong laman ng unang box.

May lamang dalawang maliit na plastic na may lamang puto seko na nakaproperly sealed. Kung binuksan ko siguro ito ng mas maaga edi sana nakatikim na ako ng paborito kong snack.

Pero sana naman dinamihan na nya kung sino man ang nagpadala nito. Hindi man lang nya ginawang isang kahon katulad nung ibinigay ni Steven...

Napatigil ako at inalis ang tingin sa puto sekong hawak ko. Tinignan ko ang kahon na kulay pink at hinalungkat pa kung may laman pa ang kahon o pangalan man lang kung kanino galing.

Dali-dali kong binuksan ang maliit na card na nakita ko sa loob, may kasama itong isang puzzle piece  na ikinakunot ng noo ko. Inuna ko muna ang card at binuksan.

Naneun dangsin-eul saranghae....
-K

Lalong kumunot ang noo ko dahil hindi ko naintindihan yung nakasulat. Itatanong ko na lang kay Roby bukas, baka minumura na pala ako ng nagpadala nito ng hindi ko man lang alam.

Tinignan ko pa ang kahon pero wala ng laman. Nagkibit balikat ako at binuksan ang puto seko saka tinikman, edible naman, safe, walang lason.

I ate it while opening the second box.

This time it's color blue. What's with the colors?

Binuksan ko at unang bumungad sa akin ang maliit na card ulit, binasa ko kung anong nakalagay.

I am inlove with you.

-K

Napasinghap ako at napatakip sa bibig. OMG! Bakit kinilabutan ako?  May stalker ba ako? Una, yung puto seko, tapos ngayon naga-i love you sya sa akin.

Napailing na lang ako, lakas ng tama nitong taong to. Itinabi ko na lang yung card muna at tinignan yung iba pang laman ng kahon.

Napangiti ako ng makakita ng fishball na nakatusok sa stick, hindi yung mismong pagkain kundi keychain na gawa sa polymer clay.

Naalala ko tuloy yung pagtitinda ko ng fishball, next was a Polaroid picture of Aling Jenna and his husband na nakangiti habang nasa likod nila ang apartment na tinirhan ko.

Nangilid ang luha ko dahil bigla ko silang na-miss. Hindi kasi ako makabisita sa kanila dahil sa dami ng nangyari sa akin. Promise, kapag talaga bumalik ako, bibisitahin ko agad sila.

Wala ng laman yung second box bukod sa isa pa uling puzzle piece kaya ang binuksan ko naman ay yung kahon na kapapadala pa lang kanina. Kahit medyo creepy ng kaunti dahil bakit kilala nya sina Aling Jenna ay hindi ko na muna pinansin, besides, nararamdaman kong wala namang masamang intensyon ang nagpadala nito sa akin.

Saka baka si Aidan lang to at malakas din minsan tama nun eh.

This time the third box is color yellow.

Tuluyan na akong natawa ng makita ko ang nakapogi pose nina Johnny, Piolo at Mang Bert, nakawacky face naman sina Ella, Pamela at pati na rin si Ms. Teressa. Hindi ko namamalayan na umiiyak na ako habang natatawa dahil sa pinaghalong pagkamiss sa kanila kahit isang buwan at isang linggo pa lang naman akong wala sa Pilipinas. Pero para sa akin kasi ay napakatagal na panahon na ng isang buwan.

The Princess And The Butler [Completed]Where stories live. Discover now