Thirty Five

21.9K 521 16
                                    

How Would You Feel

Kailee's POV

Thursday, sa hotel ako ngayon at dinala ko na ang mga requirements na kailangan kong ipasa sa school para isabay ko sa mga gagawin ko sa hotel. Bibisitahin kasi namin ulit ang mga facilities sa hotel and Steven will check some things.

"You can just finish your requirements here and I can check the hotel by myself." Steven said kaya napaangat ako ng tingin mula sa laptop papunta sa kanya.

Hindi naman mukhang order, mukhang suggestion pero umiling ako.

"Hindi na, patapos na rin naman ako, dinala ko lang talaga dito para tapusin since nasimulan ko na rin naman na kagabi. Final touches na lang aaaaaand...done! Tara na!" sabi ko ng nakangiti sa kanya.

Naiiling na lang sya sa akin pero like what he always do, kinuha nya lang ang kamay ko at lumabas na kami ng opisina nya saka bumaba sa lobby. We did the usual, he explained to me a lot of things, we checked every corner of the hotel that's needed to be checked at ng matapos ay nag-aya syang lumabas na para kami ay kumain ng lunch but I declined.

"Why? Do you have any other plans?" tanong nya ng nakakunot na naman ang noo kaya itinuwid ko iyon gamit ang dalawang hintuturo ko.

"Yes, pero don't worry I'll be back before you know it. Ako na lang ang bibili ng lunch natin at huwag ka ng kumontra. Babalik din ako agad, may dadaanan lang ako. Now, shoo!" sabi ko sabay tulak sa kanya papasok sa elevator na sakto namang nagbukas at wala na syang nagawa dahil agad ding nagsara ang pinto.

Naiiling na naglakad ako papalabas ng hotel ng mag-ring ang phone ko, I answered him.

"Yes?" tanong ko.

"Did you just shoo me away?" tila amused na tanong nya but he hides it through sounding serious.

"Halata ba? Haha! May kukuhanin lang talaga ako, then I'll buy lunch, and then babalik na ako ng hotel. Bye!" sabi ko at tatawa-tawang sumakay sa sasakyan kung saan nandoon sina Johnny at Piolo.

Alam nila ang lakad ko kaya naka-abang na agad sila sa akin.

"Sa shop muna tayo dudes." sabi ko sa dalawa at sumaludo naman ang mga ito na ikinailing ko na lang.

Nang makarating kami sa shop na nagbebenta ng mga halaman at mga bulaklak ay agad akong bumaba at sinabi ang pangalan ko sa babaeng nasa counter.

I ordered a plant for Steven's office noong may pasok ako, isang cactus na nasa small pot na nilagyan ng ribbon ng babae that made it look more cute. Inilagay nya ito sa maliit na paper bag at iniabot sa akin matapos kong magbayad.

"Come again ma'am." nakangiting sabi ng babae at nginitian ko ito saka lumabas na ng shop bitbit ang halaman.

Sumakay na ulit ako sa kotse at bumili kami ng pagkain for take-out at inilibre ko na rin sina Johnny at Piolo para makain nila pag-uwi matapos nila akong ihatid. Maya-maya lang rin ay nakabalik na kami sa hotel at hindi na ako nagpatulong bitbitin ang mga dala dahil kaya ko naman.

"Salamat sa inyo. Pasensya na sa abala." sabi ko sa dalawa.

"Wala yun young lady, thank you din po. Tawagan nyo lang kami if may kailngan pa po kayo." sabi ni Johnny at tumango ako't nagpasalamat ulit saka pumasok na ng hotel.

"Ma'am! tulungan ko na po kayo." sabi ng guard na pinagbuksan ako ng pinto.

"Hindi na po manong, kaya ko na naman na. Pero salamat na rin po." sabi ko at nginitian ko na lang ito saka nagtuloy-tuloy na ng lakad.




Sa wakas! Nakarating din ako sa opisina ni Steven. I opened the door and saw him seriously reading a paper saka sya magsusulat ng kung ano. Hindi pa nya ako mapapansin kung di lang ako nag-ehem.

The Princess And The Butler [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon