Sixteen

26.8K 601 55
                                    

Rules

Kailee's POV

"Young lady, may problema po ba kayo?"

"Oo nga po, kanina pa po kayo nakasimangot."

Tinignan ko silang dalawa at napabuntong hininga na lang.

Nandito kami sa garden ng mansyon dahil wala naman akong pasok. Malamig na naman na dahil malapit na ngang magpasko at pagabi na din. Wala pa rin si Ms. Molly dahil malelate daw ito kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng libro dito sa garden. Kaso pilit talagang pumapasok sa isip ko ung mga ikinikilos ni sungit. Noong monday pa sya ganoon eh, simula ng pumasok ako sa school.

Naging sungit times three pa ata sya. Ay, hindi pala 'ata' dahil talagang masungit sya ng times three.

Napagalitan pa ako eh wala naman akong ginagawa! Kainis! Hindi ko talaga alam kung anong pinuputok ng butsi nya.

Flashback

Pagkadating namin sa bahay ay nauna pa syang lumabas at iniwan ako sa sasakyan.

Pero dapat yata masanay na ako na ang moody nya masyado.

Naiiling na bumaba na lang ako sa sasakyan at inalis na ang earphones sa tenga ko. Sinalubong naman ako nina Piolo at Johnny na nag-alok na dalhin ang gamit ko pero tumanggi ako.

Nagbow ang dalawang gwardya sa may magkabilang tabi ng double door ng mansyon at tumango ako sa mga ito bilang pag-acknowledge saka ako pumasok.

Akmang aakyat na ako ng humarang sa tapat ko si sungit kaya nagulat ako.

"Ba't ka naman bigla-biglang sumusulpot dyan?" Nakakunot ang noo kong tanong.

"We need to talk." Sabi nito kaya nagkibit balikat ako.

Talk daw eh, baka may sasabihin sya tungkol sa nalalapit na anniversary ng kumpanya.

Naupo kami sa may sofa sa salla ng magkaharapan, nasa gitna ang coffee table. Nakatingin lang naman ako sa kanya, hindi na ako ganoong naiilang dahil medyo nasasanay na rin ako sa presensya nya.

Lalo na yung madalas na pagkunot ng noo nya, yung seryoso nyang tingin at ang pagiging masungit nya.

"Ano? Tungkol saan ang sasabihin mo?" Tanong ko.

Tumikhim muna sya at nagcrossarms.

Akala ko bubuka na ang bibig nya pero tumikom lang ulit ito.

Napakunot ang noo ko sa pagtataka. Lumipas yata ang dalawang minuto pero wala pa rin syang sinasabi, nakatingin lang sya sa akin at ganoon din naman ako sa kanya, naghihintay ng sasabihin nya.

"Uy! Ano nga? Gagawa pa ako ng assignments ko." Sabi ko

"I just want to remind you that you should stay away from boys in your school." Sabi nito na akala mo ay tatay ko.

Promise, mas mahigpit pa talaga sya kay tatay.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Because I said so." Maikling sagot nya pero umiling ako.

"Ayoko, mas mahigpit ka pa kay tatay. Saka kung wala naman silang balak sa akin na masama ay ayos lang naman sigurong makipagkaibigan. At isa pa, hindi din naman ako lapitin ng mga lalaki at wala akong balak dahil nandoon ako para mag-aral at hindi lumandi." Mariin kong sagot.

Napanganga ako sa sunod nyang ginawa dahil hindi ako makapaniwala at hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako pero nakita ko syang nagmake face ng iiwas nya ang mukha nya sa akin at saka mabilis na sumeryoso ulit pero halata ang inis sa mukha nito.

The Princess And The Butler [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon