Fourteen

25.7K 555 12
                                    

Back to School

Kailess's POV

This is it.

This is really is it is it.

Charing lang! Actually, ngayon ang unang araw ko sa PL University. Hindi ko alam kung nababagay ba ako sa school na iyon.

Pero bahala na. Basta dapat focus lang ako sa studies. Iyon na lang ang gagawin ko.

Kamusta na kaya si Aidan? Nakakamiss din pala ang kolokoy na iyon.

Hindi ko pala nakwento no? May nag-iisa akong kaibigan, bestfriend pa nga eh. Sya yung nakwento kong nagrecommend sa akin sa livelihood program. Hindi ko sya madalas makasama dati pero tuwing sabado o kaya linggo ay bonding time namin. Dati kasi silang nangungupahan sa isa sa mga pintong pinauupahan nina Aling Jenna kaya naging magkaibigan kami.

Ang random ko no? Pero anyway, naalis ako sa pagmumuni-muni ng may pumasok sa pintuan ng kwarto ko.

Inalis ko ang earphones na nasa tenga ko dahil nakikinig ako kanina ng music. Oha! Nagagamit ko na yung cellphone ko pero hindi ko pa ganoon gamay.

Mabuti't matyaga akong tinuruan nina Piolo, Johnny, Ella at Pamela, pati nga si Mang Bert ay daig pa ako dahil nakikisabay din sa pagtuturo sa akin.
So far maalam na akong kumuha ng picture, magtext, tumawag at magpatugtog at magdownload ng music.

Grabe pala yun! May bayad pati kanta! Hindi ko naman napigilan sina Ella at Piolo dahil pinagpipindot nila ang mga kantang nabanggit ko na gusto ko. Eh ang dami nun! Huli ko ng nalaman na may bayad pala yung halos karamihan sa dinownload nila.

"Tay!" Sabi ko at napaayos ng upo. Nakaindian sit kasi ako sa kinauupuan ko dahil nasa tapat ako ng study table.

I know, mukhang unlady like, wala eh, nakasanayan ko na yun, saka nasa bahay lang naman.

"Ngayon ang unang araw ng klase mo diba?" Nakangiti nitong sabi sa akin.

"Opo, medyo kinakabahan nga po ako eh." Sagot ko sabay lagay na ng notebook at ballpen sa backpack ko.

Salamat naman at yung mura ang binili nina Ella at Pamela.

"Huwag kang kabahan. Ikaw pa? Kaya mo yan, anak kaya kita." Buong pagmamalaki nyang sabi sa akin saka inayos ang buhok ko.

"Oo nga pala, nalaman ko kay Alex na sinabihan nya ang president ng university na itago munang anak kita. Ayos lang ba sa iyo yun? Hindi ko pa kasi binubulgar sa lahat dahil hinihintay ko din ang permiso mo. Kaya din napagpasyahan kong sa 20th anniversary na ng kumpanya kita ipakilala para makapag-isip isip ka pa." Sabi nito sa akin at napangiti na lang ako.

Ako pa rin pala ang iniisip nga, hindi naman kasi maayos na naipaliwanag ni Sungit kung bakit kailangan na lihim muna ang pagiging anak ako ng tatay ko.

"Sa anniversary nyo na lang tay. Para rin naman makapagsimula ako ng hindi napapansin ng iba." Sabi ko.

"Hay nako, manang-mana ka talaga sa akin. Alam mo bang mahiyain din ako noon? Ang nanay mo lang ang nageencourage sa akin sa pakikipagusap sa mga kasosyo ko at di kalaunan ay natutunan ko na ring makihalubilo ng hindi nagtatago sa likod ng nanay mo." Natatawang pagkwento nya sa akin kaya natawa na din ako.

"Oo nga pala tay, ito po ba ang kwarto ko noong bata pa ako? Yung bago kami mawala?" Tanong ko

"Hmm..hindi, hindi pa kasi ganito kalaki ang bahay natin noon, isang simpleng two-storey house pa lang ang tinitirhan natin noon. Pero may care taker ang bahay at noong hindi pa kita nakikita ay napunta ako doon tuwing sabado at linggo."

The Princess And The Butler [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon