Nine

26.1K 550 8
                                    

Torture Day

Kailee's POV

"Kailangan po ba talaga nito?" Tanong ko sa tatay ko sa telepono. Nasa opisina pala ito mula kanina pa at hindi na daw nagawang makapagpaalam sa akin dahil masyado itong abala.

"Oo anak, gusto kong bumawi sa iyo. May team na ipapadala dyan si Alexander para sayo. Maaga akong uuwi mamaya para makapagkwentuhan tayo ulit." Sagot nito mula sa kabilang linya at napangiti na lang ako.

Gusto ko lang naman makausap ang tatay ko eh, ung tipong makahabol sa mga panahong hindi kami magkasama. Siguro ito rin ang ginagawa nya kaya gusto nyang bumawi.

Wala na akong nagawa kundi hayaan sya at nagpaalam na ako dahil alam kong abala sya sa trabaho.

Sa laki ng mansyon na ito siguradong ilang taong pagtatrabaho din ang ginawa ng tatay ko hanggang ngayon.

Nang maibaba ko ang telepono na nasa salla ng bahay ay saka ko nilingon sina Pamela na tinawag ako.

"Young lady, nandito na po ang team na ipinadala ni Mr. King." Sabi ni Ms. Teressa at wala akong nagawa kundi ang tumango.

Speaking of sungit.

"Alam mo po ba kung nasaan si sungit ngayon Ms. Teressa?" Tanong ko sa kanya sabay tayo sa kinauupuan.

"Paumanhin po young lady pero hindi ko po alam ang eksaktong lokasyon nya ngayon." Sabi nito sabay yuko.

Sumabat naman si Ella.

"Naku young lady! Sa sobrang abala ni Sir ay hindi na namin alam kung saan sya pumupunta. Masyado syang maraming pinupuntahan sa isang araw at bihira lang namin sya makita palagi dito sa mansyon." Paliwanag nito at tumango na lang ako.

"Nasa grooming room po ang team young lady. Tara na po." Sabi ni Ms. Teressa at sumunod na lang ako. Hindi ko talaga sila mapigil sa pagtawag sa akin ng young lady at pag-po nila.

Sa kabuuan ay may limang floors ang mansyon, hindi ko pa alam kung anong makikita sa ikatlong palapag at sa mga sumunod dahil first floor at second floor lang naman ang madalas kong puntahan. Pero sa lawak ng bawat palapag ng bahay ay hindi ko pa lubusan na nalilibot ang mansyon kahit sa second floor. Dalawang araw pa lang naman ako dito.

Umakyat kami sa hagdan hanggang sa nakarating kami ng third floor, ganun pa rin, maganda at malawak. May limang pinto akong nakita na puros double doors.

"Anong laman ng mga pintong iyan? Saka Ms. Teressa, pwede mo po ba akong samahan na libutin itong mansyon? Para hindi ako nawawala." Magalang kong saad sa kanila.

"Oo naman po young lady. Ngunit magagawa lang natin iyon pagkatapos ng inyong treatment day. Ang unang pinto po ay ang library young lady."

"Wow! Talagang may library dito?" Manghang tanong ko at napansin kong napangiti si Ms. Teressa at agad na pumormal ang mukha.

Nakita siguro nila ang pagningning ng mga mata ko ng marinig ang salitang library dahil maging sina Pamela at Ella ay napangiti.

"Opo young lady, ang daming aklat po dyan na mukhang ikatutuwa nyo. Mahilig din po kasing magbasa si Sir Magnus, ang daddy nyo po." Paliwanag ni Pamela.

"Ahh...mahilig din pala magbasa si tatay, eh ano yung mga sumunod na pinto?" Tanong ko pa.

"Ang ikalawa pong pinto ay entertainment room na kasya po ang 40 katao para makapanuod at kung nanaisin nyo pong manuod ng pelikula ay marami pong nakahandang bagong mga palabas. Ang ikatlo at ikaapat na pinto naman po ay guess rooms samantalang ang ikalimang pinto ay ang grooming room." Tumango-tango ako sa sinabi ni Ms. Teressa at iginiya na nila ako sa ikalimang pinto.

The Princess And The Butler [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon