Chapter 57: Confessions

136 12 18
                                    

"When you learn to depend on God and His timing, you'll see that He will bless you with better than you expected."

*Summer Carter*

Sunday is the best day of the week for me. Sino ba namang hindi natutuwa sa araw ng pagpupuri sa Diyos? Bago dumating ang araw na ito ay sinisiguro kong handa na ang puso ko na magpuri sa Kanya. Madaling araw pa lamang ay nag-devotion na ako at nananalangin para sa araw na ito.

I feel blessed while listening to some Hillsong tracks and cooking for my family's breakfast. Manang Fe take her leave because of her sick son. Ilang araw na lang ang ilalagi ko dito sa Pilipinas kaya naman sinusulit ko talaga ang bawat minuto kasama ang mga mahahalagang tao sa buhay ko. Hindi ko maiwasang hindi malungkot pero inilalagay ko na lang talaga sa kamay ng Diyos ang mga pangyayari.

I chose to give everything to God and trust Him do I guess I don't have to worry.

🎶 How wonderful, how beautiful
Name above every name exalted high 🎶

Sinabayan ko ang bawat liriko ng kanta sa mahinang boses habang ipiniprito ang ham. I feel blessed while doing so.

"Good morning Kuya."

Napalingon ako sa kapatid kong pababa ng hagdan habang nagkukusot ng mata.

Napangiti ako sa cute na itsura niya. Dalaga na siya kung tignan.

"Good morning Sunshine." Malambing kong bati. "Hindi ka na naman naghilamos kaagad."

"Mamaya na kuya. I want milk." Nakangusong aniya saka naupo at itinungkod ang baba sa palad niya. "Timplahan mo ako kuya. Please?"

I chuckled. She is acting like a baby again.

"Okay po bunso." Inilagay ko sa plato ang huling slice ng pritong ham, pinatay ang stove at kumuha ng baso at kutsara para ipagtimpla ang prinsesa ko.

"Susunduin mo ba ulit si Ate Winter mamaya kuya?"

"Yep. Alam mo namang sabay kaming pumupunta ng church palagi." Ngumiti ako sa kanya.

Today I am going to tell her my feelings. I am so excited and anxious at the same time.

"You really like her that much Kuya?"

Naglagay ako ng tatlong kutsarang powdered milk sa baso niya, sinalinan iyon ng mainit na tubig at inihalo. "I won't say no to that Sunshine." I smile at her at inilapat ang baso sa harapan niya.

I became really transparent to my family in terms to Winter. Bukod sa malinis ang intesiyon ko sa kanya ay gusto ko ring makita iyon ng pamilya ko. I didn't get shocked when I knew that they really like her for me. A christian woman who is making an effort to know God deeper. O smiled in my mind.

"Go on and drink your milk."

Tinanggal ko ang apron na nakasabit sa katawan ko at isinoli iyon sa lalagyan nito. Iniayos ko ang mga niluto kong ulam sa mesa at inihanda na rin ang mga untensils na kakailanganin sa pagkain. Habang iniaayos ang mga iyon ay biglang nagsalita si Sunshine.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 01, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stairway to Her Heart #Wattys2017Where stories live. Discover now