XXX

244 17 59
                                    

"But the fruit of Spirit is love, joy, peace, long-suffering, gentleness, goodness, faith, meekness, temperance: against such there is  no law. And they that are Christ's have crucified the flesh with the affections and lusts." ~Galatians 5:22-24


*Summer Carter*

Pakiramdam ko ay naging mabagal ang mga pangyayari habang palapit ng palapit ang distansiya ng aming mga mukha. Naroon pa rin yung doubt at fear sa pakiramdam ko dahil ginagawa ko 'to para muling iligtas ang buhay niya. Doubt dahil baka hindi ko magawa ng maayos ang CPR at fear dahil baka bigla niya akong sapakin kapag nalaman niyang kami ay nag-mouth-to-mouth para lang maagapan siya ng first aid.

Bahala na, ihahanda ko na lang ang sarili ko sa galit niya pag nagising siya.

Bigla akong napamulat ng maramdaman ko ang kung anong malambot na dumapo sa labi ko. Halos manlaki ang aking mga mata nang makita ang mga mata niyang dilat at diretsong nakatingin sakin. Hintuturo pala niya ang nakadikit saaking mga labi at hindi ang labi niya. Bagama't hindi maliwanag ang bahaging ito ng pool ay kitang-kita ko naman ang kanyang blangkong ekspresiyon na unti-unting napalitan ng gulat.

Naging mabagal ang mga pangyayari sa paningin ko ng bahagya niyang itaas ang kanyang hintuturo, causing my face to lift up. Bumalik lang ako sa ulirat ng maramdaman ko ang malakas na pagbagsak ko sa malamig na sahig at napagtantong marahas niya akong itinulak.

"Ar-rayyy."

Garalgal na sambit ko habang sapo ang likod ng aking ulo.

"Rapist!!!"

Dinuro niya ako at mabilis na siyang tumayo. Nilingon ko siya habang pikit ang isa kong mata. Bakas ang gulat sa itsura niya.

Ano? Ako rapist? Sa itsura kong to muka akong rapist?

Gusto ko sanang isambit yun pero hindi ko namang ugali ang magbuhat ng sariling bangko.

Hindi ko alam kung una kong iisipin ang pagiging pangit ko o guwapo. O uunahin kong isipin ang pangit na akusasyon niya sa 'kin.

"Teka lang, hindi ako rapis-" Babangon pa lang sana ako para magpaliwanag pero agad niya akong inambahan ng isang malakas na tadyak sa sikmura na muling nagpadausdos sakin sa sahig at siyang nagpa-ubo sakin.

"Get lost you rapist! What are you trying to do huh?! What the hell are you trying to do?! Why did you unzipped my jacket! You're a perv! I will report you to the police!"

Patuloy ako sa pag-ubo dahil sa malakas na sipa niya. Kitang kita ang galit niya habang nakatingin sa'kin ng masama.

Akala ko pa naman magagalit lang siya pagkatapos ko siyang i-CPR. Hindi ko alam na malakas niya akong itutulak at sisipain matapos ko siyang pagmalasakitan at tulungan. Pambihira, bakit ba napakalakas ng babaeng to.

Nang medyo okay na ang sikmura ko ay pilit akong tumayo at nilapitan siya sa maliwanag na parte kung saan nasa'n siya.

"Stop just right there!" Dinuro pa niya ako kasama ng nagbabanta niyang tinig.

"Si Summer to."

Katahimikan.

Pinanood ko ang unti-unting pag-awang ng bibig niya at pagpapalit ng ekspresiyon ng kanyang mukha.

"S-Summer? Y-you're n-ot a r-rapist?"

Tss. Nauutal rin pala ang isang Winter Woods.

Pangatlong beses na niya akong tinawag na rapist. At sa ilang ulit na yun, hindi ko na napigilan ang pagkunot ng noo ko.

"Do I look like a rapist?" Bahagya ko pang pinasadaan ang basang kabuuan ko, pormal namang tignan ang suot ko ah, di naman ako mukang pusakal sa daanan o sa kung san. "Do you think I can do that sinful thing to my friend?"

Stairway to Her Heart #Wattys2017Where stories live. Discover now