X

228 23 4
                                    

(Summer Carter is on the multimedia section. ⇧⇧⇧)

"Always be kind, someone might need it secretly."

*Summer Carter*

Gabi na at maya maya ay isasara na namin ang shop. May mga mangilan-ngilan pa ring customers ang pumapasok kaya naman nag-serve pa rin kami sakanila.


"Jade pakibigay itong espresso sa 10th table." Bahagya kong pinunasan ang kaunting pawis na nasa noo ko at iniabot ang kape sakanya.

Muli kong inayos ang pagkakatali ng apron sa bewang ko.

Mula dito sa counter ay naagaw ng atensyon ko ang isang pigura ng babae na pumasok mula sa glass door ng shop ko. Natigilan ako saaking ginagawa dahil mistulang slow-motion ang pagkakapasok niya.

Yung babaeng may maamong mukha?

Slow-mo nga ba o sadyang mabagal lang siyang kumilos? Kumunot pa ng kaunti ang aking noo dahil kapansin-pansin ang namumula niyang pisngi na hindi naman ganoon kapula noong huli ko siyang nakita dito. May lagnat ba siya?

Bigla tuloy akong nag-alala dahil sa fragile look niya.

Lihim ko siyang pinagmasdan hanggang sa makaupo siya sa 14th table kung saan malapit sa bintana ng shop. Agad namang lumapit sakanya ang isa sa mga empleyado ko at mukang tinatanong kung anong order niya.

Nakita ko ang tipid na pagbuka ng bibig niya. Siguro ay sinabi niya kung anong order niya. Bakas sa mga kilos niya ang pagiging malamya which is very unusual noong nakaraang punta niya rito. Matapos niyang masabi ang order niya ay hinubad niya ang kanyang leather jacket na mas nagpakita pa sakanyang namumulang kutis dahil sa black v-neck shirt na suot nito.

Kung dati ay prenteng nakakunot lang ang noo niya, ngayon ay expressionless lang ito at kitang-kita pa ang namumula niyang pisngi mula rito dahil hindi naman kalayuan ang counter sa pwesto niya ngayon. Siguro ay mga five meters aways lang mahigit ang distansya namin.

"Lukeng isang americano coffee daw sa 14th table." Nabaling ang atensyon ko sa empleyado kong nasa harap ko na ngayon. "Okay, saglit lang." Sagot ni Luke.

"Ako na Luke." Pigil ko sakanya. Nagtataka siyang tumitig sakin pero pumayag din siyang ako na ang gumawa nung coffee sa 14th table.

Bakit nga ba ako pa? I mean, last time ako rin naman ang gumawa ng coffee niya. But right now, I just have this urge to make her a cup of coffee siguro dahil na rin sa sobrang bayad niya noon.

Muli ko itong nilagyan ng isang smiling emoticon pagkatapos kong timplahin ang kape niya.

Ready to serve na ang coffee niya ngunit tila nawala bigla ang mga empleyado ko sa paningin ko kaya napagpasyahan kong ako na lang ang mag-bibigay nito sa sakanya. Ayoko rin namang paghintayin ang mga customer ko.

Kung ako ang magbibigay nito ay makikita ko siya ng malapitan. Bigla akong napangiti at na-excite at that thought. Ilang beses ko na rin kasi siyang hindi naaabutan pero ngayon, tignan mo naman ang pagkakataon. Mukhang nais na talaga nitong makita ko siya ng malapitan.

Inilagay ko ang cup sa serving tray. Bahagya ko pang inayos ang apron ko, at medyo inayos ang kwelyo ng polo ko. Nang makuntento ay sinimulan ko ng maglakad sa gawi niya. Alam kong ang nangyayari ngayon ay hindi na panaginip, sana talaga ay hindi ako magising.

Ramdam ko ang bumibilis na tibok ng puso ko habang papalapit sa gawi niya.

Napakalapit lang naman ng pag-aabutan ko sakanya ng kape pero bakit mukhang napakalayo nito sa pananaw ko?

Stairway to Her Heart #Wattys2017Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora