XXVIII

223 15 26
                                    

"Two are better than one; because they have a good reward for their labor. For if they fall, the one will lift up his fellow: but wise to him that is alone when he falleth; for he hath not another to help him up. Again, if two lie together, then they have heat: b it how can be warm alone? And if one prevail against him; and a threefold cosmos not quickly broken." ~Ecclesiastes 4:9-12

*Summer Carter*

"Bro, do you think I can make a good friend?" I asked out of the blue. Ewan ko nga kung bakit ko natanong 'to eh.

Nandito kami ni Amos sa gym. Madalas ko na kasi siyang samahan dahil nangako siya sa sarili niyang magpaganda ng katawan para daw sa future wife niya. Ewan ko nga ba dito at biglang nagbago ang isip. Dati rati naman ay parang allergic siya sa gym equipments. Noong minsang tinanong ko ulit siya kung bakit ang sagot niya ay,

"Ano ka ba Summer. Syempre pagkatapos ng kasal, honeymoon na diba? Nakakahiya namang humarap kay future wife na puro taba lang. Dapat presentable. Parang yung mga dish sa resto ko. Lahat delisyamsow."

Naiintindihan ko naman ang gusto niyang sabihin. Di ko lang talaga maiwasang matawa sa face expression niya habang sinasabi ang mga yon.

"Yung totoo Karter?! Tinatanong mo talaga yan?!" Gulat na tanong niya pabalik. Bahagya pa siyang tumigil sa pagsuntok ng punching bag at tumingin sa'kin na para bang hindi siya makapaniwala sa tanong ko.

Napabuntong hininga ako at ipinagpatuloy ang pagsuntok sa punching bag. "Nevermind bro."

"Woah. Chill bro. Ano bang ipinuputok ng butchi mo at naitanong mo yan?" Hindi ako sumagot at nagpatuloy sa pagsuntok.

"Alam mo bro, you can be friends with anyone by not doing anything. Just by simply being yourself, walang ka-effort effort, magiging kaibigan mo agad ang isang estranghero dahil sa extroverted personality mo."

Oo nga naman. Likas namang palakaibigan ako. Bakit ko ba inaalala 'yun. I can be a good friend to her if that happens. Napapaisip lang kasi ako dahil siya lang ang bukod tanging babae na ibang iba sa mga naging kaibigan ko. Of all, siya ang pinakamailap.

"Ako nga na best friend mo oh. Tignan mo, marami ka ng nagawang magagandang bagay saakin magmula pa elementary tayo. Hindi naman ako ganito ngayon kung wala ka sa buhay ko. Kaya kahit na sino pa yan. Magiging isa kang mabutinng impluwensiya at kaibigan diyan." Gumaan naman ang loob ko sa sinabi niya kahit papano. Minsan talaga kahit na may pagka-pilyo si Amos ay may matitino pa rin siyang nasasabi.

"Pambihira bro. Ang keso!" Aniya at saka ako sinuntok sa braso.

Maganda na sana pakinggan ang mga sinabi niya kaso bigla akong sinaktan eh.

"Kaya nga bro, ang keso." Ngumisi ako at itinulak yung punching bag para matamahan siya. Bahagya siyang napaatras kaya napatawa ako.

"Alam mo bro, napakabuti mo talagang kaibigan eh ano?" Pagkatapos ay malakas niyang itinulak ang punching bag sa gawi ko pero agad akong napaiwas.

Pareho kaming natawa dahil sa kabaliwan namin. Maya maya ay muli akaming nagpatuloy sa pagsuntok ng punching bag. Pareho na kaming basa ang mga sando dahil sa pawis.

"Maiba nga Sum, ba't mo ba natanong yun?"

"Tungkol san bro?"

"Yung tanong mo, kung pwede ka bang maging mabuting kaibigan."

Bumuntong hininga ako.

"Naalala mo ba si Winter?"

"Yung benefactor ng BH? Oo bro bakit?"

Stairway to Her Heart #Wattys2017Where stories live. Discover now