Chapter 39: Enchanted Kingdom

175 13 12
                                    

"Good friends are like stars. You don't always see them, but you know they're always there."

"Snowww! I miss youuu!" umaktong yayakap si Timothy kay Winter pero hindi iyon nangyari dahil inilagay niya ang kanyang hintuturo sa noo ng binata.

"What the heck are you trying to do weird headed poet?"

"I'm just trying to hug you " ngumuso pa ito at sumimangot.

"Pinapahirapan talaga ako ni Papa sa company namin. Halos wala na akong pahinga dahil ang dami niyang ipinapaayos na papers sakin. Pati out of the country meetings sakin niya pinapagawa. Ang hirap maging only child Snow." Pagmamaktol niya.

"So what?" Tinanggal niya ang pagkakalagay ng hintuturo niya sa noo nito at umupo sa sofa. Kinuha niya ang librong binabasa niya sa mesa at itinuon ang atensiyon doon.

"Ang sama sama mo talaga sakin. Kailan ka ba magiging mabait sakin ha?" Kunyari ay nagtatampong aniya pero death glare lang ang isinukli nito sakanya.

"Dinalhan kita ng frappe." Nakangiting sambit ng binata. "Alam ko namang namiss mo ako ng sobra."

Umupo ito sa tabi niya. Inilabas niya mula sa paper bag ang dalawang frappe na binili pa niya sa Starbucks saka iniabot ang isa sakanya. Walang lingong inabot naman ito ni Winter. Pasimple niyang iniladlad ang kanyang kanang kamay sa taas ng sandalan ng sofa. Nagmuka tuloy na inaakbayan niya ang dalaga.

Nakangiti lang si Timothy habang umiinop siya sa frappe at pinagmamasdan si Winter. Ang ganda talaga ng future girlfriend ko.

"Anong binabasa mo?"

Pagkuwa'y bahagya niyang isinara ang hawak niyang libro at lumingon sa katabi.

"None of your business. Can you move sidewards? You're touching me." Iritadong tugon ni Winter.

"Sungit." parang batang aniya pero hindi siya sumunod dito at nag-eavesdrop sa binabasa niyang libro.

"Beyond Life Sentences by Eileen R. Tabios." Banggit niya ng makilala ang hawak na libro ni Winter. "Bakit mo pa babasahin 'yang book of poem na yan kung pwede mong basain yung akin?" Umakto siyang nagtatampo.

"I can't really concentrate Timothy!"

"Dahil ba kinikilig ka dahil katabi mo ako?" Ngumiti siya at kumindat.

"Mas okay pa na di ka nagpapakita eh."

"Aray naman " pabirong humawak sa dibdib ang binata at nagkunwaring nasasaktan. "Ang cute mo talagang magtagalog."

"I don't need your opinion." Umirap ito sa katabi.

"Sus. Enough with those denials Snow."

Hindi na nakapagtiis pa ang dalaga at tumayo na lang siya hawak hawak ang libro niya. Tinungo niya ag bookshelf kung saan niya iyon kinuha at isinoli ito doon.

Sumandal siya sa bookshelf at sumimsim sa hawak na frappe.

"Why are you here?" Blangkong tanong nito.

Stairway to Her Heart #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon