VI

309 24 14
                                    

*Summer Carter*

Abala ako dito sa shop ngayon, valentine season kaya naman maraming pumupuntang customers dahil sa promo namin na "free heart cake for lovers" sa bawat dalawang order ng two cups of any coffee flavor. Karamihan nga sa dumarating dito sa shop ay lovers. Naging patok rin kasi ang promo ngayong buwan, dumagdag pa ang mga makukulay na palamuti sa shops at nagkalat na puso sa loob nito.

Napatigil ako sa ginagawa nang mag-ring ang cellphone ko.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko.

Bunso calling...

Agad kong sinagot ang tawag nang makitang si bunso iyon.

"Hello bunso, oh napatawag ka?"

[Hello kuya Summer, pwede pong humingi ng favor please?]

"Ano ba yun bunso? sabihin mo na dahil maraming customer si kuya sangayon."

[Umo-o ka muna kuya, please? Sige na?] Batid kong nagpapacute na naman siya sa kabilang linya, bigla tuloy akong napangiti dahil nai-imagine ko yung pagpapa-cute niya.

"Oo na, ikaw talaga bunso, alam mo namang hindi kita matitiis. Ano ba kasi yun?" Nakangiting tugon ko rito.

[Eh kuya, pakibili naman po ako ng libro. Naubos na daw kasi sa mall na pinuntahan ko eh. Na-out of stock yung book dahil maraming bumili. Please kuya, I really need the book for school.]

"Yun lang naman pala bunso eh, basta all about school yang librong yan ha. Anong libro ba yun?"

[Statistics po Kuya, math subject po yun. Tapos kuya pakihatid na lang din dito sa bahay ha. Salamat ng marami kuya!] Bakas ang kasiyahan sa tinig niya.

"Wala yun bunso, basta ikaw, o sige bibilhin ko muna yung librong sinasabi mo saka ko ihahatid diyan sa bahay." Paninigurado ko pa.

[Thank you kuya Summer! The best ka talaga. I love you! Hihintayin kita dito sa bahay ah.] Masiglang sabi niya. Alam kong nakangiti na naman siya.

"Sige, I love you too bunso." 

Ibinaba ko ang linya at pumunta sa kitchen ng shop para maghugas ng kamay. Pag si bunso talaga ay hindi ko matanggihan. Tsk. Bagamat abala talaga ako dito sa shop ngayon dahil maraming customers, ay bibilhin ko muna ang librong pinapabili ng kapatid ko. Maaral at matalinong bata kasi si Sunshine kaya naman focus talaga siya sa pag-aaral.

Inayos ko pa muna ang sarili ko bago ako lumabas ng shop.

"Marie, kayo muna ang bahala rito sa shop ha. Pakisabi na rin kay Luke. Aalis lang ako saglit pero babalik din ako. Asikasuhin niyo ng mabuti ang mga customers." Bilin ko sa pinakamalapit na empleyadong nakita ko.

"Opo Sir." Sagot niya.

Tuluyan na akong lumabas ng shop at sumakay na sa kotse ko. Pinuntahan ko ang pinakamalapit na mall at pumasok doon. Dumiretso ako ng National Books Store at hinanap ang librong sinabi ni Sunshine.

Labinlimang minuto na ang nakakalipas ngunit wala pa rin akong makitang libro na binanggit ni Sunshine.

"Ah miss, may available books pa ba kayo ng Math book na Statistics?" Magalang na tanong ko sa babaeng kasalukuyang nag-aayos ng mga libro sa bookshelf, isa sa mga employee ng store. Ngumiti pa ako ng bahagya sakanya.

"Ah, po? Sir? A-ano po yun?" Natataranta siyang tumayo at humarap sakin habang iniipit sa tainga niya ang mga nalaglag niyang buhok sa mukha. 

Stairway to Her Heart #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon