Chapter 53: The Truth

107 12 12
                                    

"God is fully aware that we will hold on to some people that we not need in our lives. Sometimes, He allows them to hurt us because that would be the only way for us to move from that position despite how many times He screamed in our hearts to let go." ~@GodlyDating101

~

*Winter Woods*


"You think they will love these?" I motioned the cupcakes above the table.

"Of course. Ikaw ang naglagay ng icing sa cupcake ko eh." He smiled and winked.

"Baliw! Para sa mga bata yan hindi para sayo." I slapped his arm lightly. Feeling myself blushed so I look away and pretended to look at the cupcakes again.

♪♬ Ikaw na ba si Mr. Right, ikaw na ba love of my life, ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko. ♪♬

Napangiwi ako dahil sa tunog ng radyo. Seriously? I hate that song.

Maya maya pa ay sinasabayan na ni Summer ang kanta habang inaasar ako. Pigil akong napapangiti dahil sa ginagawa niya. Paano, tinutusok niya yung gilid ko at nagpapa-cute na parang bata. Inaayos ko na kasi ang mga cupcakes sa kahon nito habang siya naman ay tinutulungan ako habang kumakanta at nang-aasar.

"Can you stop singing?"

"Why not? My voice sounds good." He shrugged and smiled.

Hinayaan ko na lang siyang sabayan ang mga tugtog sa radyo hanggang sa matapos kami sa pag-aayos ng cupcakes. Summer is always like this. Napansin ko na madalas niya akong asarin o biruin magmula nang tinanggap ko ang Panginoon sa buhay ko. Naging madalas na rin ang pagsasama namin dahil sa mga gawain sa simbahan. Kahit bagong miyembro pa lamang ako ay ninais ko na ring tumulong sa mga gawain ng Diyos.

That's why we are heading again to the orphanage, to give cupcakes and toys to the kids.

Ipinagbuksan ako ni Summer ng pintuan ng kotse, "Pasok na kamahalan." Ngumiti siya at bahagya pang yumuko na tila ba isa nga akong prinsesa. Napailing ako at nakangiting pumasok ng kotse.

Umupo na rin siya sa driver's seat at binuksan ang stereo bago pinaandar ang kanyang kotse.

♬♪ Amazing grace how sweet the sound that saved a wretch like me. ♪♬

Muling sinabayan ni Summer ang tugtugin. This one is far better. Samantalang naglakbay naman ang diwa ko sa Zambales kung saan ko unang napakinggan ang kantang iyon. Wala sa sarili akong napalingon sa kanya. Focus na focus siya sa daan habang kumakanta. I can't help but to feel amazed how God used this man for my salvation.

Yung Summer na palagi ko lang itinataboy noon, palagi ko ng kasama ngayon.

I smiled unconsciously.

God moves in mysterious ways.

"Hey what are you smiling at?"

"W-wala."

"Wag mong sabihin na nagwa-gwapuhan ka na sakin Miss Woods?" He teased with a smile.

"Guwapo ka lang dahil may takot ka sa Diyos." I stucked my tounge out and turned my head to the windshield.

"Yeah yeah of course." I heard him say.

Maya maya pa ay binasag niya ang katahimikan.

"Winter?"

Stairway to Her Heart #Wattys2017Where stories live. Discover now