Chapter 41: First Times

159 10 29
                                    

"We all need a friend who'll sit with us in silence when words don't work." ~Daren Colbert

*Summer Carter*

Fragile.

That's the best word that describes her now. Ito na yata yung Winter na pinakanakakaiba sa lahat. Kanina pa siya tumahan. Niyaya ko na rin siyang umuwi pero sinabi niyang ayaw pa niya. Siguro gusto lang niya ng may kasamang kaibigan sangayon.

Sinubukan ko ring magtanong kung gusto niya ng maiinom o makakain, pero iling lang ang nakuha kong sagot mula sakanya.

Naglalakad kami. Hindi ko nga alam kung saan kami patungo. Gusto ko siyang tanungin pero parang wala siya sa sarili. Nahagip ng patingin ko iyong Wheel of Fate, gustong gusto ko talagang isakay siya dun. Pero papayag kaya siya?

"A-ah, ano, Winter, sasakay pa ba tayo sa ferris wheel?" Pagbabakasakali ko.

Ilang segundo ang lumipas bago siya lumingon sakin. Tiningnan niya lang ako ng ilang sandali tapos tumango siya. Napangiti ako.

Yes!

Malungkot ang mga mata niya. Pakiramdam ko tuloy bumalik yung unang Winter na kilala ko. Pero iba yun Winter na kasama ko ngayon. Kung yung dati ay palaging cold treatment ang natatanggap ko, ang isang ito naman ay tila binalot ng kalungkutan.

I remember the day when I saw the same man whom she have talked to a while ago. Yung mga mata niya noon ay puno ng galit pero iba ngayon, at may kutob akong napakawalan na niya ang galit na iyon nang magkausap sila kanina. Sobrang ipinagpapasalamat ko yon sa Diyos.

Iginaya ko siya pasakay sa ferris wheel. Tahimik lang siyang umupo doon.

Malungkot pa rin ang itsura niya, maging ang mga mata niya ay mugto. Umupo ako sa tabi niya. Nakatingin lang siya sa malayo.

"Okay lang talaga na sumakay tayo dito? We can still back out." Mahinahong sabi ko.

"No. We will ride this. Besides, we are already here and I don't ditch deals." 

Nagsimulang gumalaw yung ferris wheel dahil nagkakarga pa sila ng mga taong sasakay. Biglang napakapit ng mahigpit si Winter sakin. Bakas ang gulat at takot sa mukha niya.

"P-pwede pa naman tayong bumaba." Muling suhestiyon ko. Naaalala ko kasi ulit na takot siya sa heights. Tsaka ayoko namang maging uncomfortable siya.

Bumitiw siya sakin. "Nandito na tayo. Wag na." Sabi niya. Pero nakakunot ang noo niya.

Binuksan ko ang palad ko at iniabot yon sakanya.

Tiningnan niya lang 'yon tapos tumingin siya sakin.

"Hold my hand, promise I won't let it go." I flashed an assuring smile. "Hahawakan kita hanggang matapos itong ride."

I stared at her face. Sigurado akong nagdadalawang isip siya dahil sa mga mata niyang nagtatanong.

"Alam kong natatakot ka, but let me accomplish my promise by holding my hand."

She crumpled her fist above her lap. Gumalaw paitaas ang sinasakyan namin kaya agad siyang napakapit sa palad ko.

"Hindi kita bibitawan Winter." Ngumiti ako hanggang sa magsimula na ngang gumalaw ang ferris wheel.

If holding her hand will calm her I can do it anytime.

Pataas na ng pataas ang sinasakyan namin. Tila napalitan naman ng takot ang malungkot niyang mukha. I can also feel her fast pulse. Hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko. I caress her hand through my thumb para kumalma siya kahit konti. Making her feel that I am here.

Stairway to Her Heart #Wattys2017Where stories live. Discover now