XVIII

189 16 7
                                    

*Summer Carter*

Nailock ko na ang shop at kasalukuyan na akong naglalakad papunta sa kotse ko habang kausap si mommy sa cellphone. Weekend kasi kaya uuwi ako sa bahay.

"Pauwi na po ako mommy."

[Okay anak, mag-iingat ka sa pagdri-drive okay? Wag ring mabilis ang pagmamane- Mommy magpabili po kayo ng balot kay kuya Summer!] Rinig ko ang sumingit na boses ni Sunshine, marahil ay sumisigaw sa kabilang linya.

[Naku etong kapatid mo talaga 'nak, kung anu ano ang ipinabibiling pagkain.] Natatawang ani mommy.

"Ayos lang po mommy, ilang balot daw po ba ang bibilhin ko?" Binubuksan ko ang pintuan ng sasakyan ko at pumasok.

[Ilang balot daw ipapabili mo anak, Sunshine?] Umupo na ako sa driver's seat habang nasa kanang kamay ko pa rin ang cellphone ko. Hinintay ko pa ang magiging sagot ni mommy habang ipinapahinga sandali ang aking likod sa sandalan ng upuan. [Lima na lang po mommy para sakin yung dalawa! Oh Summer anak, limang balot daw ang bilhin mo.]

"Sige po mom, I'll buy five. I'll be driving na po. See you sooner mom love you."

[I love you too anak. Take care on your driving.] Pagkatapos magsalita ni mommy ay ibinaba ko na ang cellphone ko at ibinulsa ito. Pinaandar ko ang kotse ko at sinimulang tahakin ang daan pauwi sa bahay. Mabagal ang pagpapatakbo ko upang madali kong mapansin ang mga balot vendors na naglalakad o nakapwesto sa gilid ng daan.

Malayo-layo pa naman ang bahay namin at higit trenta minutos ang biyahe kung hindi traffic.

Halos bente minutos na ang nakakaraan ngunit wala pa rin akong makitang balot vendors sa highway. Mabagal pa rin ang aking pagpapatakbo habang pasimpleng lumilingon sa bintana ng sasakyan ko. Binuksan ko ito ng bahagya upang mas klaro akong makakita ng vendors at upang marinig ko na rin sila kung sakaling may sumigaw ng "balot."

1 message received

Agad kong binuksan ang inbox ko ng marinig ko ang message tone nito.

Mom

Kuya kapag wala kang nabiling balot magtatampo ako sayo. Di mo pa napalitan cookies ko. Exchange yun ng cookies na inubos mo. :p

Naging matunog ang pagngiti ko nang mabasa ito. Siguradong si bunso ang nagtext. Tss, kung ganon ay dapat talaga akong makabili ng balot ngayon. Grabe pa naman kung magtampo si bunso, hindi namamansin ng ilang araw. Kung minsan talaga ay hindi maintindihan ang mga kababaihan. Imbis na sa shortcut ako dumaan ay sinadya ko ang mas mahabang highway pauwi samin upang siguradong may madaanan akong balot vendor.

"Balooooot! Balooooot! Baloooot po kayo diyan!"

Pakiramdam ko ay naging musika saaking pandinig ang pamilyar na sigaw ng vendor. Mabuti na lang pala at dito ako dumaan. Agad akong magpreno at sumulyap sa pinanggalingan ng sigaw. Isang lalaki ang nakaupo at patuloy pa ring nagtatawag ng mga bibili at ilang mga tao pa ang nakasunod rito na animo'y nagtatawag rin ng kanya-kanyang mamimili. Agad naman akong bumaba saaking kotse at naglakad patungo roon. Maraming balot stand ang nakaayos at mayroon pang ibang mga panindang nakasalansan tulad ng chicharon, cornicks, mga snacks at iba pa. Ngunit ang unang vendor ang aking nilapitan.

"Manong pabili nga po ng balot." Nakangiting sambit ko sa lalaki na kung titignan ay nasa middle adulthood ang itsura.

"Ilan po ser?" Ngumiti rin siya pabalik saakin.

"Lima po manong."

"Sige po ser, sandali lang po at kukuha ako." Muli siyang ngumiti at kumuha ng mga balot sakanyang paninda.

Stairway to Her Heart #Wattys2017Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora