XIX

198 16 13
                                    

"That's what my name is for. Summer, to light a person's life? Haha." Pabiro kong sabi.

"Sabagay. Wait, you know what you have matching names! Mukang bagay kayo ni ma'am!" Masiglang aniya. Bahagya pa niyang ipinagdikit ang dalawang palad. "Summer and Winter. Bagay na bagay nga!" Masayang dagdag niya.

"Anyway, do you want a coffee? May coffees si Winter diyan. Hindi naman siguro siya magagalit kung iinom tayo ng tig-isang baso."

"Sige kuya, uhm, kuya na lang ang itatawag ko sayo kuya Summer as a sign of respect. Hahaha! Sige kuya, timpla ka ng coffee natin. Hahaha!" Napangiwi ako sa kadaldalan ni Sab. Akala ko nung una, tahimik siya. First impression never lasts talaga. 

Tumango ako sakanya at hindi na lang siya kinontra tutal ay mas bata naman siyang tignan sakin. Tumungo ako sa kitchen at nagtimpla ng coffee. Dahil halos kompleto naman ang coffee ingredients ni Winter, cafe latte ang ginawa ko. Dinamihan ko ang steamed milk foam nito. After few minutes, bumalik ako ng sala hawak ang dalawang tasa ng kape.

"Wow! Ang bilis mo kuya Summer ah." Agad niyang kinuha ang isang baso ng kape nang mailapag ko ito sa glass table na nasa harap namin. "Ang sarap mo palang magtimpla ng kape kuya! Pwede ka ng magpatayo ng sarili mong coffeeshop. Hihi." Paglingon ko sakanya ay humihigop na siya sa tasa. Dumikit ang steamed foam sa taas ng bibig niya kaya naman naging matunog ang ngiti ko kasabay ng aking pag-iling. Mukha tuloy siyang bata na marumi kumain.

"May balbas ka." Nakangiting untad ko. Nagtataka siyang tumitig sakin kaya naman isinenyas ko sakanya na punasan niya ang bibig niya. "Ay nakakahiya! Sorry. Hahaha!" Natatawa niyang pinunasan ang bibig niya gamit ang panyo. Masaya pala kasama si Sab. Para siyang older version ng kapatid ko. Cheerful at talkative.

"I have my own coffeeshop kaya ganyan ako magtimpla ng kape." Nakangiting panimula ko.

"Talaga kuya?! Oh my gosh! I should recommend your coffeeshop to ma'am Winter. Siguradong magugustuhan niya yun. Coffeeholic si ma'am eh."

"Ah he-hehe, actually, nakapunta na siya sa coffeeshop ko." Muli akong ngumiti sakanya.

"Talaga?" Bakas ang gulat sa ekspresyon niya dahil sa panlalaki ng kanyang mga mata. "Tapos ano kuya? Sinabi rin ba ni ma'am na masarap yung coffee niyo? Anong reaction niya? Magkwento ka kuya dali!" Umasta siyang kinikilig at kinuha pa ang unan na malapit sakanya. Niyakap niya ito at tumitig sakin ng may pangingislap sa mga mata kaya bigla akong napatawa ng konti.

"Wala siyang reaction. Pero naulit yung pagbalik niya dun." Maikling tugon ko at ngumiti.

"Ayyy." Bakas ang disappointment sa boses niya. "Sabagay, si ma'am Winter yun eh. Madalas talaga siyang expressionless. Pero pag nagugustuhan niya ang mga coffeeshops binabalikan talaga niya!" Dun nanumbalik ang sigla niya.

"Talaga?" Nakangising tanong ko.

"Oo kuya. Noong may meeting nga kami sa isang client. Sa dating coffeeshop rin kami nag-set ng appointment. Sabi ni ma'am, worth returning daw yung place dahil sa masarap na coffee nila. So I bet she liked your coffee." 

Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

"A coffee lover and a coffeeshop owner. Match na match talaga kayo kuya Summer!" Halos tumili siya sa sinabi niya. Natatawa na lang ako dahil napaka-energetic niya at mukang marami siyang alam tungkol kay Winter.

"Ganyan ba talaga siya? Masungit?"

"Masungit si ma'am pero hindi siya katulad ng iniisip ng iba na heartless daw at strikto." Naging seryoso ang ekspresyon niya at muling uminom sa kape.

Stairway to Her Heart #Wattys2017Where stories live. Discover now